Monday, January 24, 2005
what's with me? 2 days na akong nagigising na sobrang naiihi.. at may tao sa banyo.... hay....
~~~~
last night was a great night for me...
1. we ate at old swiss inn.. panay steak ang inorder namin... yum yum Ü
2. after te dinner, i had a driving practice with dad.. paikot ikot lang sa may st. peter - columbian.. gusto nya kasi na gumaling ang U-turn skills ko...
i asked him to evaluate my driving skills... sabi nya konting konting practice na lang.. yehey!
3. binalik na yung prado dito sa house... yehey! yan lang kasi yung puwede kong i drive pag wala si dad and mom... i'm claiming it as my car na kahit na for ervinne e bulok na daw.. better na meron kaysa wala... sabi ko pag magaling na ako mag drive tsaka na ako hihingi ng magandang car...
~~~~
Absent si Rowena ngayon, meaning hindi ko malalaman today kung we can start the construction na sa tektite...
parang na bad trip si arlene when she heard the news.
tapos humirit si cely na "ay hindi pa kayo makaka start"
nakakainis...
I'm taking it easy para mas hindi masama ang feeling ko.
iniisip ko na maybe God wants to instill patience in me.
tapos ganun yung mga hirit nila.
sobrang negative.
akala ni cely victim ako sa mga nangyayari...
how could i be a victim kung tinuturuan ako ng isang value???
mga tao nga naman ang sasama mag isip....
~~~~
My throat is getting better na...
although hindi pa 100% pero a lot better na
thank you John sa gamot..
hindi pa kita nababayaran...
Tuwang tuwa si mommy kay John when i told mom na magkasundo sila ni manang.
sabi ni mommy, na atleast alam namin na mabait si manang kasi John made effort
eh yung ibang friends ni ahia??? walang ka effort effort tapos bastos pa sometimes.
leaving all the kalat everywhere...
~~~~
may new maid kami
hindi ko pa natatanong yung name..
pamangkin ni manang... hindi pa ako nakikipag kaibigan sa kanya kasi
i want to establish yung boss-subordinate relationship pero gusto ko rin naman maging mabait na boss....
pero impress din ako sa kanya kasi 2nd day pa lang nya
pero nakuha na niya yung style ng mga dating nagliligpit dito
at mabilis kumilos...
sana yung sipag nya would last long...
~~~~
Kahapon, Carla asked me a question, hindi ko sya sinagot ng matino
actually, blank face lang ang nakuha nyang sagot...
pero sa totoo lang bothered ako sa question nya...
she asked me kung bakit hindi na ako sumasama sa fccy activities
actually, sa iilang tao ko palang nasabi yung reasons ko for not joining.
1. na feel ko lang na hindi na naman ako talagang kailangan ng group
na parang everytime na may i susuggest ako, minamasama nila and hindi nila susundin.
2. sometimes lumalapit sila for help din naman. pero those action made me feel na sana people can treat me like kapamilya. yung lalapit sila kasi i'm part of the team pa rin.
3. feeling ko marami silang plans. pero iilan lang sa mga plans nila yung tutumbok sa goals nila.
4. sa pagkakakilala ko sa sarili ko, i'm all or nothing person.
gusto ko when i give myself sa isang organization. i give it my all...
in this case, hindi ko na sya magawa.
kaya i therefore conclude, tama ang singles ngayon where i can give my all...
and tama rin yung pag help ko sa psi instead kasi encouraged doon ang in excellence... meaning.. my all pa rin...
~~~~
Gusto ko man maglagay ng achievements ko for weekends
pero hindi ko maisip kung ano kasi pinarest ko ang mind ko from work.
kaya wala akong inisip na related sa work.. or baka naman yang rest na yan ang achievement ko?? why not??
visited dreamland @ 1:42 PM