Sunday, May 30, 2004
maaga kasi nagising and late natulog... parang lumulutang lang ako the whole day and kaya nahihirapan mag isip ang brain ko...
sayang hindi ko natapos ang movie na aking pinanood.. the day after tomorrow.. maganda pa naman... pero okay lang atleast hindi ako napagalitan...
had a good dinner din.. busog na busog...
super antok na ako...
visited dreamland @ 7:39 PM
well, i felt so sad that i was not able to publish something last night.. since parang part na ito ng daily life ko...
hmmm... ang saya ko rin because nag ka electricity na.. 3:30 am pa lang... na dapat 4:30 am pa.. and talagang na "bilib" si mommy bec. we (erv and i) made sure na earlier ang electricity thru screen of the mind.
i told my friend chamie yesterday na parang feeling ko sa sobrang busy ng mind ko with the business study i'm doing parang na stress na brain ko... in effect.. mas bumabagal... pero sige lang... parang lately kasi mag nagiging clear na kahit papaano yung picture kaya mas feeling okay na ako na parang i'm almost there...
although at times i want to ask for help na din since kalaban ko yung time.. pero in a way confident din ako.. medyo contradicting pero sometimes nalilito na din kasi ako kung ano ba talaga ang iisipin ko...
and then nung pauwi na kami from glorietta.. nabanggit ko na parang naisip ko lang one time na baka possible kami mag business na parang tlrc or business makers since dream naman nila joisce ang mag facilitate... and nagulat na lang ako na bigla siyang na excite.. parang eto ang brain ko nag hihingalo and then another 1 pa.. e may bridal shop pa.. na feel ko tuloy na part itong mga ito sa empire na ginagawa nila achi.
went to la germania kanina... ang gaganda ng kitchen nila... pero parang bagay lang yun sa mga bagong bahay... well, aabot din ako diyan.. very soon... and then pag uwi ko nag sample costing na ako.. yan ang biggest achievement ko for today...
and then after ng practice we went to uncle ed's to eat and then went to arl's place to watch labyrinth.. wala lang.. pampaubos oras..
few minutes after ko umuwi nag brown out na..
thoughts? learnings? hmm.... just do your best, be on purpose, stay focus...
visited dreamland @ 3:28 AM
Friday, May 28, 2004
hindi ko alam what's with this blogspot na parang i can't sleep without publishing something..
well, i am suppose to go to divisoria to buy stuffs for the heroic.. kaya lang when i woke up i feel so sleepy and then hindi pa ako makapaalam kay mommy because she was mad to me for no reason last night... so i texted my buddies and told them na i can't come (all of a sudden)
in a way i feel bad because
paano if next time ako naman indianin ng kasama ko.. "what you sow, so shall you reap" and then na feel ko din na hindi win win for them... but anyways.. natulog na lang ako ulit...
i woke up late (again...)... pag gising ko nagmadali akong kumain and maligo.. went to auntie susan with che and achi para mag pa draw para sa aking food stall... medyo ang mahal ng taxi because dinaan kami sa traffic... pero
happy na rin ako kasi atleast nagka quality time kami ni achi.. naalala ko sabi ni joisce (friend ko) na i must treasure yung mga ganyang time bec. mahirap maulit pag nag asawa na sila... not unless sobrang giving ng asawa nila..
pag dating ko kay auntie susan.. i saw fay in a bad mood.. and then auntie explained to me na she was cheated by her voice lessons teacher.. and parang syempre ang painful pag niloko ka ng taong binigyan mo na ng tiwala... felt bad for her na bata pa lang sya and nangyari na to sa kanya.. pero happy din ako kasi i was the one who were able to put a smile in her face... syempre binanggit ko na lang yung mga favorite niya para masaya siya ulit... iba rin si auntie susan mag explain.. parang ang galing.. ang ganda ng choices of words... and kahit niloko na sila parang hindi pa rin niya siniraan yung tao sa mga kids...
well, nahihiya din ako kay aunti susan bec. parang alam kong mahihirapan siya kasi parang wala akong specific na like for the stall .. so parang pinapa imbento ko siya... sana maging okay...
tomorrow na yung binigay kong deadline for myself for the study... mukhang malabo pero pipilitin kong hindi na ma delay... actually konti na lang naman kaya lang i have to go out pa to research and kaya matagal is because wala naman akong car.. kaya tuwing umaalis ako nag co commute lang ako and mas malaki yung nakakaing time.. naku.. parang i have to ask people to help me or support kahit through prayers na lang na sana i will be more open to God para marinig ko yung mga message niya sa akin.. and para ma receive ko yung help niya sa akin...
after kay auntie susan, the choir attended 25th wedding anniversary.... funny kasi buong time ng mass kami nakatayo bec hindi kami binigyan ng chairs... nakakapagod pero okay lang... hindi ko nga alam kung okay lang talaga ang mga nangyayari sa akin bec. hindi ko pinag iisipan ng malalim .. na parang laging sige okay lang... funny yung wedding kasi parang everything is about kissing... hmm.... lahat ng couple nag halikan lang...
hindi na namin tinapos bec. we watched van helsing... well, okay lang yung movie... although hindi yun yung talagang gusto kong type ng movie...
happy rin ako kasi parang i was able to spend time with my friends. sabi ko pala kay arlene na nakikita ko si vangie kay ernie.. parang same sila mag react sa isang things, pareho sila analyst, pareho sila magdamit, and pareho nilang minahal ang trabaho nila na as if yun na ang life nila... grabe... magiging stretch kaya ang staffing sa akin??? hmmm let's see...
visited dreamland @ 1:01 AM
Thursday, May 27, 2004
what did i do when i woke up??? hmm... naligo ako agad... panu ba naman kasi yung computer gamit ng visitor.. then i ate my favorite chinese style adobo....
after nun.. pumunta ako sa rp to check for some items okay naman ... sayang wala yung gas range na hinahanap ko.. ayan kailangan ko pa pumuntang la germania or sa ibang okay na store na may ganung item... got some ideas din sa food court doon... so happy ako na fruitful pero i have to go home asap bec... SUMAKIT ANG TIYAN KO!!! na c cr na ako... kainis... spoiler....
well, happy ako nung hapon to meet nancy... siya pala yung gumagawa sa mga bear hugs na bear and mura lang sa kanya... parang part of me was tickled.. bakit kaya??? yan ang dapat kong malaman...
went to psi late... parang bad trip din to break an agreement pero ewan ko wala din talaga ako sa mood para magpaka pressured... kaya sige lang... buti na lang wala akong na miss parang pag dating ko start pa lang... had a good conversation with chamie...
napunta ako sa registration.. and partner ko si nice.. happy ako!!
and then all of a sudden bigla akong nasama sa pupuntang divisoria... meant to be ata kasi after ko malaman.. naisip ko na okay lang since yun na lang naman yung magiging contribution ko for the team parang atleast nakapag participate ako...
went home na.. again.. had a good conversation with chamie... wow.. naku chamie.. ano kaya ang purpose nito???
pag uwi ko had a good conversation with joisce naman... wow ang haba ng usapan.. parang lahat ng topic napag usapan na namin... sana maulit.. although sad lang ako for my friend karen na nag text habang kausap ko si joisce na nabiktima siya ng isang guy na client nila.. hmm.. karen okay lang yan pera lang yan.... babalik din yan sa iyo...
after a good conversation.. kam naman ni mommy nag usap... super blessing kasi pa rin kasi hmm na realize ko na talagang mas aware na ako in life kaysa sa kanya na hindi lang money yung kailangan in life... ayaw ko na..
~~~Ü~~~
visited dreamland @ 2:48 AM
Wednesday, May 26, 2004
patapos na ang day.. actually tapos na talaga bec. 12:13 na...
i felt good kanina when i woke up.. nakabangon ako 1 hour before mangalahati ang araw... improving... and again i was able to start the day right... naisip ko mag pray agad.. kaya lang naisip ko yun habang ako ay nasa trono at umiihi.. nevertheless, i prayed and thanked God for waking me up...
tamang tama pag labas ko sa cr walang tao sa computer.. hmm... nagmadali akong mag check mail at mag trabaho ng kaunti... (kaunti lang naman talaga ang gagawin ko!)
then i went down to eat.. hmm.. ano ba ulam ko?? adobong manok... not bad... find it nice lang na nasa mood si mommy... imagine kuwento lang siya ng kuwento sa lahat about her trip to taiwan.. hmmm... buti na lang nanalo sila....
after eating i had my hot oil session... first time ni che mag hot oil.. sabi ko wag niya damihan.. ayun sumobrang konti nga yung nilagay niya pero i had a good time kasi masarap yung massage niya sa scalp ko.. then i watched 21 grams... well, the movie is not bad pero hindi ko alam kung complicated lang talaga or weird...
and then kinausap ako ni mommy correcting lahat ng mali ko sa business proposal... lesson learned --- keep it simple!! feeling ko kasi dahil gusto ko maging magandang maganda kaya ayan tuloy mas gumulo...
and then i went doen to look for food.. ginutom na ako.. walang food! ayan ginising ko na lang ang kalaro ko... binigyan ko ng koko krunch while i ate yakisoba na galing sa storage ni mommy... and then nilaro ko lang yung bata.. taught him some few lessons in life like wag maging madamot and to be good always.
dinner came.. kain na naman... busog na busog ako kaya konti lang kinain ko.. after eating tinatamad na talaga ako pumunta sa singles because nalaman ko na konti lang pala pupunta and medyo masakit ang tummy ko... pero naisip ko na part ng covenant ko yung mag attend ng singles and what is commitment.. so ayun pumunta na ako...
buti na lang.. although same lang yung learnings since last last week (hehehe hindi kasi ako nakinig last week kaya i made sure na this time makikinig ako with matching pa notes notes pa) and true enough may natutunan naman ako and it made me want to buy jerusalem bible lalo na ngayong an realized ko na wala na pala kaming bible dito sa bahay..
one win din sa akin today.. though small is that i was able to connect to a friend na in a way i've resisted for so many times. parang happy ako because alam kong good thing yun, happy ako kasi nasusunod ko yung isa ko pang covenant which is to forgive peoplw and happy ako for myself. parang na feel ko na in a way nag grow na naman ako.. hoping na always na sana yan.
before i end today's entry... i would like to share lang sa mga makakabasa nito na happy din ako kasi ngayon ko lang na figure out na nexst month na pala showing yung harry potter!!! so excited to watch na!!! hehehehehe
~~~Ü~~~
visited dreamland @ 12:13 AM
Monday, May 24, 2004
well, tama nga si jeff (cousin of mine) na nakaka addict ito. imagine iniisip ko na lang itong online diary evertime na may pumapasok sa mind ko... hmmm...
I woke up late this day (12:30noon)... kindda felt disappoited coz sobrang gusto ko maaga magising to be productive but nonetheless, nagawa ko naman lahat ng things to do ko today and naumpisahan ko na rin yung para bukas kaya happy ako sobra na parang okay na din itong day na ito.
i went to magallanes (joisce's place) to have our mastermind session (in lay man's term - prayer meeting)pero before that nag meet muna kami ng aking friend na si chamie sa Buendia para sabay kami pumunta sa pupuntahan namin. I've waited a little pero okay lang. happy ako nung nakita ko sya because she's blooming and few times ko pa lang siya nakitang ganyan...
well, na realize ko na wala akong negative na nafeel today.. hindi ako nainis, hindi ako na irritate and hindi ako nagalit sa kahit na kanino... wow... soaring high na talaga ako.hehehehehe and ang pinaka okay sa lahat is that mas aware ako na God is with me always and lahat ng nangyayari sa akin and lahat ng realizations ko in life is His grace.. ang saya!
i really feel so blessed! grabe si chamie, she's still studying pero sobrang giving. lagi nag babayad ng fare namin and then laging may dalang food and nililibre pa niya ako pag umaalis kami.. nahihiya na ako... hehehehe... pero aside sa material thing, she makes sure na safe ako parati. wow... sana ganito lahat ng tao sa mundo para magka world peace.
nag jeep na ako pauwi kahit free sana ang fare ko pag nag taxi.. feeling energetic pa kasi para maglakad ng malayo layo and feeling ko kasi masaya pag jeep. ewan ko ba bakit ganyan yung na feel ko...
pero masarap pala maglakad kahit malayo basta may kausap ka and alam mong may patutunguhan yung usapan niyo... sabi ba naman ni chamie gusto niya mag turo kaya lang hindi siya educ graduate...wow... puwede na siya magturo sa kids pag may charity institution na ako.. see.. nagka social worker ako kaagad... see ang galing galing talaga ni God.
visited dreamland @ 9:29 PM
Sunday, May 23, 2004
first entry
grabe parang dumaan lang tong day na ito.. is it because i
enjoyed or parang walang head ache.. ehehehe.. well,
kumakanta na ng entrance song yung naabutan ko.. so medyo
medyo late lang na mukhang hindi naman... kaya hindi ko
alam if i should feel good or bad about it.... bagong
gising pa ako nu kaya hindi ko pinagana ang brain ko to
think...
we ate at uncle ed's.. indian food pero hindi ako nagpaka
adventurous enough to order indian food hehehe tapos
iniwan ko na sila bec. of nature's call hehehe... sobrang
sarap ng feeling!!! parang nabunutan ng giant tinik!!!
yesterday kakagaling ko lang sa youth camp.. well, medyo
hindi ko na feel because i am not feeling well, pero i was
able to really communicate with God.... ain't that great???
kaya medyo light din ang feeling... and then kinausap pa
ako ng masinsinan ng ilang mga kids there so i believe na
God really answered my prayers...
i don't know yet kung anong gagawin ko tom. pero i really
want my day tomorrow to be so productive... feeling ko
kasi medyo and lousy ng mga days ko last week and last
last week. parang ang konti ng accomplishments. and this
time, magpapasama ako kay mom sa ibang lakad ko.. which is
not usual... para maka bonding din kami! FIRST DAY, LAST
DAY.
~~~~Ü~~~~
visited dreamland @ 11:40 PM