Friday, August 27, 2004
well, yesterday went to tektite with auntie joy, uncle alex and mommy... funny si auntie joy, bili ng bili ng food, masarap daw kumain kasi malamig and mura... feeling ko parang batang mayaman na napuntang divisoria ang dating...
well, we we're able to talk to ms. rowena martin, the one who is in charge of the canteen.. she's nice and nakasundo niya agad ang uncle ko.. buti naman.. looks like God is granting my request na...
after that, we went to clark hatch to wait for the car, ang bagal ng driver kasi instead of going to clark hatch he went to fitness first.. waaahhh...
then buti na lang, pinayagan ako ni mommy to go to the counsel mtg ko sa may pioneer despite the bagyo!!! hehehe nag stay sila sa diorama while i ate at jollibee with arlene.. pero dalandan juice and fries lang sa akin na hindi ko naubos kasi hindi masarap... well, kailan ba naging masarap ang fries ni jollibee???!!
after dino's in take and lynette's in take we went to joanne's place sa capitolyo 8.. maganda house niya.. malaki, may pool.. sarap mag swimming. first time na naging mabilis ang counsel mtg namin... we shared wins, we we're asked about our action plans.. etc.... ang saya.. then umuwi na ako to prepare my stuffs for the hotel overnight
nakakatawa kasi before we go to the hotel, we dropped by ministop to get some food, naku konti lang nabili ko coz i can't think.. naiihi ako...
anyways, ayun punta na kamis ahotel.. kuwentuhan to the max, nakakatawa si greta.. kinukuwento niya na nag fall siya sa guy.. to find out na bading yung taong love niya.. naiyak daw siya sobra... sayang cute pa man din...
basta super kuwentuhan to the max, ang sarap pala mag reunion with old friends..
we slept around 2am na... hindi normal for them yun...
~~~
pag gising kanina nag picture galore kami using kj's 6610. sayang wala pa akong copy kaya i can't post it here.. pag nakakuha na ako...
then nung lunch naghiwa hiwalay na kami...
tapos nag meet na kami nila paula, ate oyakodon sa sushi-ya then watched princess diaries..
super cool ng palabas, tawa kami ng tawa... aliw talaga...
pag-uwi nakatulog ako.. medyo nakakatakot dream ko, i saw our guard na sinaksak nya si arlene... sheeks hindi ko alam what to feel then.. para akong gising...
then ngayon, kung kailan tulog na ang madla, tsaka ko ginagawa ang mga things to do ko...
ganitong oras talaga ako productive =)
visited dreamland @ 12:36 AM
Wednesday, August 25, 2004
i am not suppose to blog at this moment... matutulog na ako...
but i can't sleep.. i am shaken by a conversation...
i don't know what to think, i don't know my feelings for the moment...
i will try my best... i will enroll people to moved my 2nd intensive, i'll pray hard.. bahala na...
visited dreamland @ 12:41 AM
Tuesday, August 24, 2004
well, hindi ko alam if i am grounded right now or not.. kanina pa ako nakaharap sa computer... halong chat, work, and ang pag-iisip...
worst is that.. hindi ko alam ang iniisip ko... parang ang gulo gulo ng thoughts ko.. patalon talon.... buti na lang at may steno notebook ako sa tabi ko para naman may masulat ko ang mga gusto kong mangyari pa sa buhay ko....
magpapahot oil ako ngayon... relax a little...
maya maya lang ay hindi na ulit ako makakagamit ng internet...
gising na kasi si ahia....
visited dreamland @ 2:03 PM
hay.. na cancel ang lahat ng lakad ko for today...
pero medyo hectic pa din.. iba talaga pag marami talagang ginagawa...
kahit na may nawawala.. ang dami pa ring pumapalit....
sana maayos ko lahat ng dapat kong maayos....
~~~
nakakatuwa... parang blooming ang business side of me...
natutuwa din ako na even busy ako nakaka pray pa ako a lot...
yesterday... we had a mastermind... and naaliw lang ako kasi super grabe talaga yung prayer... as in na visualize ko na si God kaharap ko and talking to me straight....
high ang energy ko after
~~~
dreamt of arlene and jec.. medyo nakakatawa...
visited dreamland @ 11:18 AM
Monday, August 23, 2004
sayang i got text from karen joy na hindi na daw matutuloy yung puerto azul..
excited pa naman ako... pero okay lang... may next time pa naman eh....
sama na sana si bubi!!!
sana matuloy na din asap....
visited dreamland @ 12:28 PM
super naaliw ako yesterday...
nag glitter tattoe kami for fun sa family day ng psi...
dnumog kami ng mga tao...
we earn a little lang.. pero we had fun talaga..
pati si tito kokoy nilagyan namin and si ms. beth mcdonald... cool!!!
halos wala na akong makausap na tao kasi super derederetso ang paglagay namin...
we're learning na =)
tapos may gusto pa mag hire sa amin for parties....
wow!!!
~~~
sayang hindi ako naka stay sa event nung gabi....
moving daw sobra ang mga pangyayari
starting from carlos' story to mr. francis galvez
~~~
finally nakita ko na rin si Palma!!! wow!!!
visited dreamland @ 12:23 PM
Saturday, August 21, 2004
hay... wala lang... this is what i get from being pakealamera.. ahahaha
nawala yung links and ang tagboard.. ang hirap talaga para sa mga hindi techy na tao...
visited dreamland @ 5:02 PM
grabe, naging super batugan ako for the day, nagising ako ng 11:30 which is late na for my call time.. then nung hindi ko macontact si Jolinne, natulog ako ulit and nagising ng 1:30pm... sarap sarap matulog, parang ayoko pa magising, lamig lamig ng aircon...
nag meet kami ni chamie sa metro south to go to galleria, pay and get the stuffs...
then nilibre niya ako ng food!!! hehehe diet ako pero okay lang sabaw lang naman...
uwi na agad for my badminton
so ayun 2 hours kami nag babadminton.. while playing daming thoughts sa head ko
na parang ang saya ko na kaya ko na maglaro ng 2 hours... parang na stre stretch na naman ako.. lalaki na naman ang comfort zone ko...
then dropped by kayla arlene.. nakigulo lang
~~~
had the weirdest feeling yesterday sa coffee ng aloha... kakainis..
but taught me a lot
visited dreamland @ 1:05 AM
Thursday, August 19, 2004
i haven't started my business pa but i am in a very busy mode...
last tuesday night we had a counsel meeting in manila peninsula... it was Lynette's birthday and she wanted that day to be a very relaxing day....
yesterday, i had several wins
i signed up with visions unlimited and hopefully get some income very soon, actually i already earned 1950.00 super bilis....
another win is that nag close deal na kami ni Buddy Dino about his wedding
hopefully things will go well...
what else? hhhmmm..... wala na ata!
I went to tektite a while ago to check the venue if it is feasible to put up food stall... mukhang okay naman except that medyo mahal... pero mas maraming tao naman so mukhang reasonable naman...
~~~
well, one worry came to me is that my cousin who is addicted na drugs na... wala lang.. parang nanghihinayang lang ako for her...
visited dreamland @ 4:25 PM
Tuesday, August 17, 2004
super busy ko kahapon na i need to cancel my badminton with bubi, punta ako bank, office ni uncle alex pero parang walang nangyari...
parang sa sobrang ayoko na ma feel down, naging sobrang manhid ako sa sarili ko. na nilalabanan ko lahat ng feelings ko to the point na parang hindi ko alam kung til when kaya to na baka bigla na lang ako mag burst out at the wrong place and at the wrong time.
parang nagtatalo yung mind ko na and yung heart ko. parang gusto ko sisihin yung ibang tao pero wala rin naman akong magagawa...
but anyways, still got wins pa rin naman kaya medyo okay na din
went to the orientation of the bridal fair yesterday, and so finaly na meet ko na si jackie, and natuwa naman ako sa mga learnings.
tapos may na meet pa ako na girl na sinabay kami palabas ng the fort... nakakaaliw siya kasi kuwento lang siya ng kuwento.
tapos nag try kami ng glitter tattoe kagabi.. okay naman ...
and okay naman yung mastermind....
win na din for me na interested si chamie sa iced tea...
visited dreamland @ 1:15 PM
Sunday, August 15, 2004
super tired ako today physically because 2 hours lang sleep ko and ang daming lakad... went to psi 7am kaya 530 gising na ako. i felt bad for what my buddy does. parang wala siyang pakealam today if may mga nadadamay siyang tao. parang nakita ko kanina na sarili lang niya iniisip nya.
then i realized na hindi lang pala ako physically tired but pati yung inner self ko.
parang ang gulo gulo ng counsel ko right now, may mga gustong mag back out and may mga taong ayaw naman tulungan ang sarili nila...
napapagod din ako with my mastermind friends kasi parang hindi na kami nag ka time to really talk about things na pinasok namin like yung cologne and yung pang family day stuffs. parang kanya kanya kami ng energy.
napapagod na din ako sa mga taong lagi na lang pagod sa life nila... kahit na hindi naman ako dapat mapagod.
maybe because i commit to something bigger than myself. na i can't just let things be. na connected talaga ang mga tao sa isa't isa na i can't just let them give up. ewan hindi ko naiintindihan...
parang nagsama sama lang today ang mga pangyayari....
and i wish na pag gising ko tomorrow a whole new world na.
visited dreamland @ 8:56 PM
Saturday, August 14, 2004
super himala ito... usually ako ang wala pag saturday night. i decided to stay because i just want to have time for to finish all my pending stuffs, like cleaning my things here... and also to plan for next week.
Roller coaster tong nangyayari sa akin, a while ago iris called me up to tell me that they don't want to grant us the space na kasi magulo ulit kausap uncle ko.. strange thing is that i didn't even felt sad.. parang unang pumasok sa mind ko is that whatever God wants na lang.. okay lang sa akin.. either nakita ni God na sagabal ito sa ultimate goal ko... or He just want me to rest a little and focus on the bridal fair kasi mas malapit na yun.. i don't know... (funny si mommy kasi nagconsult siya agad with eva... and sabi ni eva na things will be okay naman daw... ahahahaha gusto ko maniwala not because i believe in manghuhula but because i want to push thru na din kasi almost complete na ako in terms of personnel, stuffs, etc. pero hindi yung 100% of me parang at this point kahit ano okay lang) anyways, tumawag na din sa akin si auntie joy, and she wants fudgrup to reconsider...
i haven't done my action plan for my goal.. feeling ko kasi medyo mahirap.. kaya at this point medyo chinachallenge ko pa sarili ko... inaalis ko pa ang katamaran... ahahah
hindi ko alam ano ba talaga ang gagawin sa buong gabi..
visited dreamland @ 7:23 PM
naaliw lang ako na maaga ako nagising to meet Janice Go of batch 87 for a business tapos daan ako sa national bookstore to buy stuffs for business again and kahit antok ako parang ayaw ko pa mag nap kasi i believe na there is so much more to do..
medyo hindi ko lang alam what to do kasi parang hindi ko alam kung sino ba talaga sa group ang interested... kasi parang ako lang ang nag-iisip ng mga bagay bagay.. parang history repeats...
pero okay lang kasi naiintindihan ko naman sila...
visited dreamland @ 1:44 PM
nagkatotoo ang friday the 13th yesterday dito sa house
1. nasisante yung driver kasi sinigawan niya si mommy
2. naiwan ni daddy yung sapatos nya kaya nag meeting siya ng nakasleepers
3. nag dabog ako ng husto dahil nairita ako.
4. napagalitan si arlene ni ama
at marami pang iba
pero naging masaya din ang araw dahil ako ay naglustay ng pera sa divisoria.. 300 nagastos ko pero sangkatutak na ang nabili ko...
at masaya kasi enjoy ang badminton game kagabi...
visited dreamland @ 1:41 PM
Friday, August 13, 2004
the electrician arrived yesterday earlier than expected... ayan tulog pa tuloy ako and napaintay ko sya ng medyo matagal.. we tried the route of nagtahan-pasig... mas madali nga going to the site and mas konti ang lakad...
hindi ko alam if i this is a problem or hindi naman... medyo mag-uumpisa na ang electrical ng stall ko sa monday and hindi ko naiintindihan yung mga gagawin niya and yung mga term na ginamit niya.. all i know is kung saan yung mga saksakan and yung gagawin in case of brown out... parang sayang if marunong lang ako sa ganyan, mas sure ako na hindi ako maloloko ng tao around... buti na lang medyo trusted si manong.
then nakakaaliw kasi i decided to drop by wilson, because Buddy Dino called and asked about his wedding.. kung puwede daw na ako ng lang ang mag coordinate.. of course! eh di instant client yan... pero sa monday pa kami mag me meet because he is so busy with his business. i visited the registry.. ang galing kasi kilala ko pala ang may ari and naging alaga ko pa sa psi when he took the basic seminar. sayang lang kasi may nakareserved na for that day.
then looked at the stores around kasi doon ko na gusto sana yung bridal shop. got few numbers which i'll check later sana mura ang rent. and napunta ako sa store ni carol chan and lynette. so i called lynette.. sinundo nya ako and pinapunta niya ako sa house niya.. ang ganda grabe.. nakakaaliw... interior designer nga sya..
dropped by psi for a while pero uwi din agad. then went to listen kay Gerry sa presentation.
visited dreamland @ 1:09 PM
Wednesday, August 11, 2004
grabe medyo na shock ako sa mini na pangyayari kahapon and kagabi... medyo super okay na yung contract as in pirmahan na... and uncle released 100 thousand para sa mga next na gastos... wow...
went home after, nag rest ako and i had a very weird dream.. alien daw mga kasama ko.. ngeks... then parang things went bad... dad broke his agreement by being 1 hour late.. and then nung papunta na kami sa psi.. naflat pa yung tire... ayan wala na talaga ako naabutan sa coffee ni candy... sayang naman... but anyways, na support naman namin siya by having a guest...
and then parang biglang naisip ko yung mga wins ko for the day...
nakakaloka din na 3am na ako nakauwi because of the counsel meeting.. pero happy naman...
~~~
Woke up to play badminton again.. nakakainis ang daming kalaro.. halos di na tuloy ako nakalaro... nothing happened naman.. dito lang ako sa house after...
visited dreamland @ 11:54 PM
Monday, August 09, 2004
super tiring talaga itong day, but i am happy that it started with a different activity...
i woke up medyo late na sa usapan kasi i am not used to wake up ng maaga... so medyo pag gising na pag gising ko pa lang sigawan na kami ni bubi sa phone...
then nag meet kami to play badminton... it was so unusual of him na biglang naging calm nung nakita nya ako.. as in walang sermon... so we went to new manila to play...
well, mas hindi ako napagod this time pero masakit pa rin kamay ko... happy naman ako kasi parang na feel na some calories inside me are burning.. parang nabuhayan ako with the adrenaline and happy ako na sobra akong pinagpawisan...
after the game agad agad akong umuwi to take a bath and prepare for my task for the day...
sakto yung pagdating namin sa office ni uncle alex na nagkita kami sa labas... paalis na siya nun... and then pinasakay niya ako to talk about some stuffs... and super okay din kasi hinatid nya ako sa paroroonan ko...
nung pauwi na dapat ako, Thea texted me na 4:30 na kami mag meet sa house ni Joisce kaya pumunta na ako agad kayla Joisce.. shocks nung nasa gate ako ng magallanes i got another text from her na 6pm na lang daw kami magkita.. and then pagpasok ko sa house.. WALA si Joisce.. hay wala ako sobra magwa... nag nap na lang ako sa may sofa.. buti mataas yung sandalan.. hindi halata ng tao ng natutulog ako.. ahahaha
sarap kuwentuhan as usual... and then i told Joisce na happy talaga ako na because of shooters.. mas nakikita ko yung blessings ni God sa akin... sarap isipin...
visited dreamland @ 11:54 PM
Sunday, August 08, 2004
well, before i went to sleep last night, i wrote letters to vangie and arl. nothing special naman yung letter except that completion ko siya... meaning big chances of making my being whole again... upon writing, naisip ko na God works in mysterious ways talaga. Parang naisip ko yung shooters last week... it made me absent sa choir... iniisip ko lang na why do God allow such thing... yung conflict sched na against my time with him.. and it turned out na mas na feel ko pa siya... because sa dami ng natutunan ko and because nabigyan ako ng time to really absorb yung word na forgiveness na parang he gave me time to know myself para alam ko yung tamang next step sa mga bagay bagay...
sayang hindi ko nabigay yung kay vangie may kausap kasi ako sa cellphone nung paalis na siya and nagmamadali siya... next week na lang... and happy ako na naging happy si arlene in a way sa letter ko sa kanya... i hope yung happiness na yun is yung medyo tatagal kahit konti basta hindi yung panandaliang happiness...
kanina nasabi sa akin ni Jolinne na sometimes we think na yung ibang tao iniisip natin obstacle pero in reality they are not. parang yung kay mommy, iniisip ko agad na baka magalit siya to find out na i'm taking up star shooters, pero sabi ni jolinne na malay mo siya pa yung tumulong na maka reach ng goal ko... and then napaisip ako.. oo nga no!! and super win sa akin na i was able to share my goals to my parents and wala namang kumontra.. meaning i can ask for their help... buti na lang na sa mundong ito God created supporters... parang kahit na sometimes hindi nila nabibigay yung material needs para sa goals ko at least na bo boost nila energy ko in achieving it. God is really so good... ano pa bang ihihiling ko sa kanya when he gave me all that i need?
hindi ko alam kung nag gain ako or kung nag lose ako ng weight.. nakakainis pero okay lang badminton na naman ako tom. and may sched na ako for the week... although hindi pa super planned yung wednesday and friday... pero na realize ko rin kanina na eh ano kung di ako pumayat... does that mean hindi na ako puwedeng magpakakikay.. hindi naman ah.. but anyways, i'll do my best, bahala na... happy na naman ako na sinasanay ko sarili ko with healthy foods... fruits, veggies, steamed foods, grilled... basta wag lang fried...
kanina i went to makati shangri-la to see the bridal fair.. natuwa naman ako although mukhang konti lang ang suppliers... nakakatuwa din kasi i was able to talk to the husband of ms. dolby.. and natuwa din ako kasi ang galing ng fashion show....
bago ako umuwi isip lang ako ng isip ng gusto kong mangyari sa booth.. medyo hindi pa complete yung idea ko pero hopefully maging okay na din...
visited dreamland @ 11:00 PM
Saturday, August 07, 2004
nakakatuwa, i got text message from desmund... nuod daw ako ng fashion show ni delby.. eh sikat yun eh.. and sabi nila ask for help daw ako.. tuwang tuwa si jolinne ksi nafe feel niya na the universe is conspiring na daw... and nangyayari lang yun if you really want something...
1st intensive pa lang ang shooters and so far marami na akong natututunan... like patching up friendship, recognize daily wins pati yung mga smallest blessing...
week end na... i don't know if i am enjoying it.. but right now, parang gusto ko lang work ng work.. and konti lang yung gimik kasi i'm not seeing results pa...
hay.. ang saya saya ko talaga... ewan ko ba
visited dreamland @ 11:53 PM
ang saya mag badminton, medyo addicting... pero hindi siya cheap... hehehe...
right now, super nangangawit yung arms ko... parang pagod na pagod pa din... nakalimutan ko kasi mag stretching...
nakakatawa yung girl sa court... talagang binenta sa amin ang membership... so ayun nagpamember kami ni bubi... hoping na we can really play 3x a week.. para man lang pumayat ng kahit na 1 pound a week...
pagligo ko last night.. dumating si achi with bel, beth and adel... nakikain ako sa kanila... pero soup lang nakain ko... gusto ko kasi kausap si beth eh... parang buhay na buhay siya... ang cheerful niya...
tapos sumama ako kay achi maghatid sa mga tao....
grabe... nakaamoy si ervinne kagabi ng amoy sunog... siya na ata yung pinaka praning kasi mahina lang yung smell eh.. yun pala yung electric fan ni ama nangangamoy and super init na... buti na lang... kungdi baka fire number 2 na....
~~~
Feeling ko ang gastos ko pa rin... huhuhu.... sana mag start na ako mag earn para mawala na lahat ng kautangan ko sa mundong ito....
visited dreamland @ 11:38 AM
Friday, August 06, 2004
last thing i did last night was to do the "things to do" for today...
grabe! walang natuloy... sabi ni uncle alex sa monday na lang daw ako pumunta sa kanya...
tapos hindi ko pa macontact yung gagawa ng calling card.. ewan ko ba kung bakit ayaw niyang sagutin yung phone niya...
okay naman yung call time namin ng coach ko although wala siya sa house... tinawagan ko na lang siya sa cellphone... and then i shared yung mga wins ko... super natuwa siya for me... and ako din happy ako to see na maraming improvement ang life ko... like may free wedding orientation ako, magkaka free class ako with joisce na parang john robert power and pinaka okay about my wins is that nakikita kong positive yung mga kapartner ko with my ultimate goal sa shooters...
hay... ayan tuloy nag window shopping na lang kaming dalawa ni arlene bulilit... buti na lang may okay na nangyari kahit papaano.. nakabili ako ng soap and atomizer for the bridal fair... and biglaan na lang na complete yung requirement ko for the autoload sa globe so nag apply na ako for the shop.. ayan.. growing na talaga ang negosyo ko.... nakabili din ako ng flavored water.. i guess mas okay yun kaysa juice and soda... nakabili pa ako ng kikay ballpen to start my kikay goal!
mag babadminton ako now, sayang 2 lang ata kami.. eh kasi busy lahat ng tao.. pero okay lang yan ... ang pinaka important right now is that.... makaburn ako ng calories!!! and magiging fit na ako!! ahahaha ang saya naman...
x's sakit talaga eyes ko... malaking malaki na yung maga...
visited dreamland @ 6:08 PM
Thursday, August 05, 2004
ei... nakakatuwa... kasi parang wala ako sa sarili the whole day... just yesterday nag plan ako to buy stuffs na sa quiapo... and natuloy naman... ang saya kasi parang bili na lang ng bili... and then hindi ako nainitinan under the sun and napagod kahit na matagal kaming pinaintay... parang lumulutang lang ako...
after that punta agad ako sa powerspeak to see joisce facilitating a class.. well, first time niya pero super okay na siya... iba talaga pag gusto mo yung ginagawa mo... and then we ate and big budha... we adopted Yva .. libre ni thea and chams.. nakakatuwa naman sila.... celebration ng birthday... eh july ang birthday ng 2 yun... had a great time.... aliw na aliw ako...ang daming kuwentuhan and then we will set a blind date with chamie... medyo nahihiya pa siya pero parang okay na with her... and happy ako na kahit na nag celebrate kami.. diet pa din ako...
and happy ako kasi badminton ako tom. night.... ahahaha sa wakas!!! kahit na hindi ko pa alam kung sino sino ang mga kasama... i want to be fit na talaga!!! ... kaya lang madaming task tom kaya i am not sure if anong itsura ko while playing...
sakit eyes ko may kuliti... aarrggghhh!!! hihihi pero okay lang... kaya lang nakakainis kasi hindi makamot kahit makati... ngaiks....
natutuwa din pala ako kasi ang daming nangyayari na masaya... my mastermind will sell wedding souvenirs na colognes and soaps para sa bridal fair.... and then medyo okay sa kanila yung goal ko in life.... sana they will remain to be there always... para balance din hindi lang kami sama sama sa prayer meeting, sa celebration but pati sa pag reach ng mga goals namin in life....
can't wait na din para mag weekend.. na miss ko na din mga tao sa st. peter... hehehehe wala kasi ako last week eh....
visited dreamland @ 11:44 PM
Wednesday, August 04, 2004
yesterday, finally... 100% okay na kami with the contract... wala ng urungan... hay salamat...thank God talaga... kaya today, tatawagan ko na ang mga suppliers.. yan lang ang trabaho ko... and of course to work on my professional goal na din and completion...
natuwa ako with my counsel meeting last night, parang they are all grown ups and yet nakaka aliw pa din in my eyes... happy ako na behind the weight goal there is something else i want pala and Jolinne was able to draw it out from me.. it's to be kikay... kasi that's who i am... i don't want to be a kid anymore... i want to dress well with good blouses, i'll be sexier.. etc. parang this is me na talaga... ang saya saya...
happy din ako kasi parang nasa momentum ako ng diet ko ... na cut na talaga ang food intake ko... nag stop na ako with chocolates and sweets and junk foods. Actually, i can take it pa naman... basta konti lang kaya lang next time na lang pag gustong gusto ko na siya.... sabi ni achi wag ko daw i deprieve sarili ko... well, i am not depriving myself naman... and mas magiging masaya ako to see myself na mas payat...
~~~
pero i felt a little sad lang na parang i am hearing sad stories about Dino and Arl...
parang i can't be so happy when people beside me doesn't feel the same...
i know i want to soar high... pero i want to soar high with the rest... because
i commit to something bigger than myself
i commit 100% to a world that works
i take full responsibility to what i create in my life
i live a life of excellence where commitment, not circumstance dictates the outcome.
i overcome my obstacles and make my life work 100%
i move forward with character and courage
i win as a team player
visited dreamland @ 10:34 AM
Tuesday, August 03, 2004
nung isang araw... sumakay ako sa jeep... yung manong driver masyadong impatient... nung una naaasar na ako kahit na iba yung kausap nya...
buti na lang at malayo layo pa ang pupuntahan ko kaya nakapag isip ako...
naisip ko na ano kaya ang situation nitong driver na ito sa bahay nila...
may sakit kaya anak niya...
malaki kaya problema niya...
etc.
sometimes kasi naiinis tayo at first lalo na kung tayo yung inaaway ng somebody... or tinatarayan ng driver... pero parang oo nga no..baka may problema lang...
visited dreamland @ 1:18 AM
kahapon lang ako hindi nag blog pero grabe... parang ang tagal na...
i was at PSI yesterday for my shooters... sobrang daming nangyari na learning naman...
ang daming stretch na eventually nakakatuwa...
sabi ng mga tao i look good daw sa blouse na suot ko and i felt so good. kasi at first ayaw bilhin ni mommy yung blouse for me kesyo kesyo and it turned out na mali siya... tapos sabi pa ng mga tao na kahit chubby ako ang ganda tingnan pa rin kasi proportionate ang body ko... wow... that was cool!! natuwa din ako to see know na si jolinne ang couch ko.. kasi parang feeling ko she's nice naman talaga ever since... tapos masaya rin ako with the member of my counsel ( i hope it's not too early to say that...)
grabe kaninang umaga naman... pag gising ko i am thinking of my goal na...
i am 127 lbs on or before Nov 7 (15lbs ang kailangan kong i lose)
i am in my bridal shop on or before Nov 7
so inisip ko na agad ang action plan... pero inisip pa lang hindi ko pa sinusulat at pinapag -aralan... feeling ko kasi super busy ako today... punta kami sa house nila uncle alex ng maaga para makaluto for the pay pay and then punta pa sa Badminton with mom pero hindi ako nag laro.. then may mastermind pa.. and in between that i have to call people pa and i have to move para sa goals ko...
but nevertheless.. i am happy
visited dreamland @ 1:07 AM
Sunday, August 01, 2004
Grabe tong 2 days na to. Friday and Saturday
Yesterday, nakakatawa kasi arlene (maid) and i went to powerplant to pay themes and motifs.. sabi ko maaga pa naman lakarin na lang natin hanggang mrt station... naku, mukhang wrong decision.. para kaming nag alay lakad... pawis na pawis na pawis talaga kami... ay grabe! sakit sakit pa sa paa...
then ayun punta na kami sa shangri-la. nnag cr kami agad.. aba andun si cherie pie... tapos ang ingay ingay ni arlene.. nakakahiya...
then nag meeting kami with edison, iris, uncle alex and auntie joy... regarding sa contract... i don't want to blame anybody here. kaya lang nakakainis lang kasi parang both parties yung nagpamukha sa akin na ako yung mali especially uncle alex pero as far as i know na communicate ko naman lahat ng dapat kong macommunicate even before... looking back at the scenario parang gusto ko na lang umiyak kasi parang inabsorb ko lang lahat ng bintang na hindi ko naman talaga kasalanan...
anyways, nagpakatahimik lang ako... wala naman mapapala if nasabi ko yung piece ko kasi sila pa rin yung last say
i don't really believe sa mga fortune telling kaya lang si eva yung unang nakita ko nung nakauwi na ako... so nag try lang ako mag ask... pampagaan ba ng loob... sabi niya na thing will be fine naman daw.. sana nga...
~~~
Woke up early for my 1st intensive... nung una parang nakakasakay pa ako... kasi medyo 1st activity is nagawa na namin sa heroic.. pero nakakagulat si tita pilar kasi medyo nagwawala siya... hindi ko alam na ganun siya.. medyo nakikilala ko na siya...
then ang daming activity na medyo stretch for me pero turned out na okay naman.. nakita ko pa sila pat and karen bec. of 1 exercise ... buti na lang okay ang buddy ko... si Dino.. ehehehe kahit na 2 pandesal lang kinain namin for lunch dahil sa kulangan ng time....
nakakaaliw din kasi naalala ko yung iba kong mga success sa life ko kasi pinaalala sa amin... and medyo kinilig din ako to feel that victory again... ang sarap sarap talaga...
ang dami namin nagawa... super tired ako when i went home.. pero happy although nag-aaway na kami ni bubi...
visited dreamland @ 1:08 AM