Friday, December 31, 2004
last day of the year na....
actually kung titingnan ang things to do ko for the day... nothing special naman
mag mass lang ako later...
pero naaliw lang ako kasi for the second time around..
walang biniling firecracker si dad...
hindi ko alam kung maraming tao rin ang ayaw sa paputok
basta ako ayaw ko...
expensive na...
no sense pa (imagine iingay lang sya)
mausok pa and mabaho after..
and worst.. maraming napuputukan....
gusto ko lang yung fountain
and since maganda naman sya sa langit...
makikita ko rin yung fountain ng ibang tao
kaya okay na hindi bumili
instead of buying paputok, magic sing na lang ang binili ni dad
yehey atleast magagamit ng maraming beses...
kaya lang as of the moment wala pa kaming magandang chip...
nabili kasi nila yung chip na panay old song.. buti na lang kahit konti may alam ako... atleast hindi ako tutunganga...
nagugutom na ako, kaya lang hinihintay ko si achi ngayon.. para lang sabay kami mag lunch... lagi na lang kasi ng kanya kanya kami kung kumain... parang walang kapamilya....
si sharon, pinsan ko, dito muna nakatira sa amin...
hindi ko alam kung masaya ako or malungkot
magulo kasi family nila eh..parang hindi mo sure kung walang susugod dito at makikipag patayan sa hindi malamang dahilan...
hindi pa ako nag greet ng happy new year sa text right now, medyo wala pang magandang nag send sa akin eh... hehehehe.... gusto ko yung text na tipong forwarded pero yung super maganda yung nilalaman...
nung christmas nag look forward ako for this.. kasi nag reply sa christmas greeting ko yung crush ko... sana ngayong new year mag reply din sya ulit... ehehehe ang babaw....
ilalagay ko sana yung mga picture here.. topak nga lang bluetooth... sabi ni ervinne gamitin ko daw cable.... hmmm... topak din...
hay ang mga gamit dito gusto din atang mag vacation....
visited dreamland @ 2:18 PM
Wednesday, December 29, 2004
kagabi ko pa sana gusto mag send ng message sa mga tao around...
i know i'm not the kind of person who shows gratitude and appreciation through words.. tahimik lang... pero deep inside masaya...
kaya lang feeling ko sayang din minsan kasi baka yung mga words na yon ang susi sa mga problema and kalungkutan ng mga tao...
at kakasabi ko lang lang sa last blog ko na action speaks lounder pero mas okay pag combination ng action and ng words... parang loudest na yan...
kaya sa mga friends ko na nakakabasa nito...
super thank you.....
thank you for supporting me and my goals in life
thank you for helping me by catching my bad behavior
thank you for being around...
~~~~~
finally, had a long sleep na...yipee!!!
i've been wanting that since the start of simbang gabi...
my body needs rest eh...
tapos nakapag manicure and pedicure na din ako!!!
after ilang months na pag procrastinate
hindi na ulit puwedeng taniman ang kuko ko
malinis na....
tapos mamaya magbabayad na kami sa psi!!!
super happy ako with that.
hopefully, ma realize ni bubi na yung being nya ay hindi dapat "lang"
madalas nya kasing sabihin na "mahirap lang ako"...
at sinasabi pa nya na ako lang daw ang yayaman.. not him...
sana after the basic
hindi na rin mainitin ang ulo nya
and mas appreciative na sya
sana after the basic
mas maging clear ang gusto nya in life
and makagawa sya ng clear action plan
sana after the basic
maging mas giving sya na tao...
sana after the basic
mas isipin nya ang kapakanan ng lahat...
sana after the basic
mas maging firm sya with his decisions...
mabait na naman sya ngayon eh...
kaya lang lahat naman ng tao
may big room for improvement....
~~~~~
never had a hula session with eva...
okay naman sya, marami syang sinabi kay mommy na nagkatotoo pero ayaw ko lang talaga mag pahula...
pero sabi nya kagabi kay mommy na sulit naman daw yung ilang months of waiting ko for the tektite...
which i believe because for me, alam ko naman na kaya ako naghintay is because ito yung plan ni God...
maybe because along that waiting gusto ni God na may matutunan ako...
maybe because maraming ibang nangyayari na significant thing sa life ko while waiting... like yung shooters, yung mga bridal stuffs.. etc...
grabe kasi umpisa shooters, i've learn to trust God more... kaya kahit na naiinip na si mommy sometimes.. ako okay lang....
~~~~~
wierd yung maid kagabi..
parang feeling kung umasta...tinanong nya ako kung kailan daw mag oopen yung food stall... sana daw sabihin ko yung exact date.. if not aalis na sya...
hindi ko alam what is on her mind at naiinip sya when we are paying her for doing nothing naman dito... hmmm......
i pray that she will be blessed with patience, trust, and humility.... yun na siguro ang pinaka okay na gift for her
~~~~~
last night, trying to fix my schedule for the first week of january
kwela talaga... kasi wala akong malagay na gagawin...
kasi right now, pakiramdaman lang ako....
parang yung control ng things na nangyayari ay nasa tektite...
kung hindi sila kikilos, walang mangyayari... masasayang lang ang pag plano ko...
~~~~~
kailangan ko na talaga mag exercise
hindi na balance ang life ko...
worry ko baka dumating yung point na okay ang financial part of me, okay me spiritually, and emotionally pero ung physical side of me yung mag suffer... hindi na kasi ako ulit nag e exercise eh...
habang wala ang treadmill.. kailangan may ibang mechanism..
hmm... badminton ulit??
pero gusto ko sa st. peter ground na lang pag gabi para libre... ehehehehe
delikado din kasi pag di ako nag e exercise...
nagiging irregular ang monthly period...
~~~~~
parang ayaw ko mag stop mag blog
kahit wala na talaga akong masulat...
ganito ako ka walang magawa today...
mamayang gabi, aayusin ko na lang yung mga paninda ni arlene..
uumpisahan ko na ulit yung scrapbook project ko....
yehey.... may gagawin na ako....
Ü Ü Ü
visited dreamland @ 1:45 PM
Tuesday, December 28, 2004
hindi ko na expect na magiging super busy ang christmas...
happy ako because usually, pag busy.. hindi na napapansin ang panahon
pero in my case, ninamnam ko ang christmas...
i've reflected with a title of a song...
"I'll make my heart a bethlehem"
title lang kasi hindi ko alam yung lyrics...
i've also asked for a request nung simbang gabi
kahit na dinidiscourage ng mga priest..
pasaway ang dating ko pero i know deep inside na nag simbang gabi ako not for the wish... but for preparing myself...
parang bonus na lang pag natuloy yang request na yan...
~~~
went to sleepover at tagaytay...
pahinga lang
What i enjoyed most is the air...
ang lamig lamig... ang saya saya...
tapos super sarap ng kare kare sa diner's
sabi ko nga kay daddy balikan namin....
nakakatuwa din kasi mura lang yung pinagtulugan namin... looking forward sa next na sleepover
nainis lang ako nung morning kasi i want a little more sleep...
hindi pa kasi ako nakakabawi nun mula nung simbang gabi...
parang nawala yung essence ng BREAK....
tsaka hate ko kasi yung kinukulit ako pag ginigising...
FORMAL-dominant kasi ako....
kaya nag start lang ako mag shift nung nasa enchanted kingdom na...
matapos ko mabuhos kay bubi yung point ko na feeling ko unfair ung nangyari....
parang everybody got what they want except me.... sounds victim pero hindi naman ako nag self pity.. nainis lang talaga ako... pero wala na yon sa akin ngayon.. basta sana pag ginigising ako eh yung normal na pag gising lang at hindi yung makulit na pag gising... sensitive ako pag bagong gising eh... kasi dyan na se set ang mood for the day...
anyways, nakalimutan ko na na naramdaman ko yun nung nakapasok na ng enchanted...
enjoyed rio grande most kahit na may girl na singit ng singit sa pila.. scary nga kasi imagine mag isa lang sya, mukhang hwa na po na nakapangbahay lang
tapos yung log jam... na may isang bata na gustong sumingit pero hindi namin pinasingit... mukha kasi naughty talaga yung bata eh...
yung ibang rides pa na nasakyan namin
-flying fiesta
-bumper car
-space shuttle (nag breakthrough si bubi!!)
-rialto
first time ko pumuntang enchanted na hindi nakasakay ng anchor's away... (ayyy.....)
pero okay lang....
hindi ako nasaktan sa kahit na anong ride
hindi ako nahilo
hindi ako na bored sa mahabang pila...
no complaints....
~~~
funny yung mga gifts na nakuha ko..
mostly bags... 6 bags and 4 out of 6 color pink... parang kilalang kilala na talaga ako ng mga tao around....aliw... i got 1 pink wallet din matapos ko regaluhan sarili ko ng isang pink wallet... hay kikay... ehehehehe
~~~
feeling ko bitin ang 2 days works for the week..
ginawa ko na lahat today...
wala na akong gagawin tom....
~~~
What i am looking forward sa 2005
-sana mag open na ang food stall ko sa january...
(right now, they are preparing the contract na..the security deposit is with me na)
-bridal shop
(tinulungan na kami ni God.. kasi lumuwag na yung place and bumawas na yung gamit kaya super konti na lang ang kailangan gawin)
-12 clients sa perfect moments
-singles
(we'll have our first meeting sa january 4 with fr. manny)
-treadmill and lose more pounds
-travel with family and friends
summer swimming with choir
gallera with family sa holy week
sana ma plan na namin ang hongkong trip for year 2006 (iniintay mag open ang disney)
whitecove with heroic mates
-be able to show my friends how i appreciate them
naniniwala ako na action speaks louder than words.. with that okay na ako
pero diba mas okay pag sabay ang action and ang words??? mas may dating...
-savings!!!!! i want a seven digit savings... ehehehehe pero totoo... sino bang may ayaw ng ganyan
-coaching
-chiefing
-heroic staffing
things i asked for na nakuha ko na and i am thankful for those stuffs
- new contact lens and new eyeglasses
- new rubbershoes
- bags (dati hinihiling ko lang ito.. ngayon may sangkatutak na ako)
- friends na mag psi...
visited dreamland @ 4:12 PM
Monday, December 20, 2004
nag blog ako ng super haba... at nabura lahat...
super busy ako today...
hindi ko alam paano makaka survive...
hindi kasi ako matutulog... mas mahirap kasing kumanta pag bagong gising....
SCHEDULE
Simbang Gabi-kami ang choir
Breakfast- either mcdo or starbucks... bahala na....
10AM mass
Family day-dadaan lang ako
Regional Christmas Party - nagpromse ako kay judianne na magpapakita ako sa kanya
Shooters Team 60 Graduation - nag confirm na rin ako.. i want to see my buddy thea...
SLEEP!!!!!
SIMBANG GABI
8 years na ako naka complete ng simbang gabi...
pero ngayon lang ang simbang gabi na full of learnings...
1st day
i learned na iba iba ang experiences ng mga tao sa buhay
iba't ibang problems ang napagdadaanan...
kaya okay lang na iba iba ang approach kay Jesus
Medyo common sense...
pero with the people around me..
medyo na instill sa akin na dapat laging either solemn or victim mode...
this time i want to be with Jesus...
na masaya ang mood ko...
parang sa lahat ng learnings ko sa life,
lahat ng new experiences ko
lahat ng times na naging happy ako
sa kanya ko pinaka i sha share... kahit na alam kong alam nya lahat ng pinadaanan ko...
2nd day
na reaffirm sa akin na we have a control sa life natin
well, i'm not saying 100 percent... syempre may share pa rin si God...
pero what i mean is that,
most of the time kasi, hindi tayo na kokontento sa life.. thus hindi nagiging masaya
pero come to think of it... hindi ba tayo lang din naman ang mag cocondition sa mind natin ng feelings na gusto natin i feel and tayo lang din naman ang may control para i appreciate lahat ng blessings ni God....
3rd day
i was reminded to see Jesus in other people's life
and to love people para they can see Jesus in me rin...
i also learned na hindi maganda mag offer kay God ng something na labag sa kalooban natin...
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
FENG SHUI
Kaninang umaga pissed off ako
paano ba naman kasi nagsama sila daddy ng feng shui master kuno dito sa bahay...
kailangan ko na magising kahit na 3 hours pa lang ang tulog ko...
inallot ko pa naman ang whole morning sa aking beauty rest dahil hindi rin ako natulog night before...
sabi ng feng shui master
dapat daw laging maaga umuwi si achi...
if not, baka ma accident or maholdap or makidnap...
CRAZY!!!!
at ito ang mas crazy
Si ahia daw bum dahil may natapakang element nung Jan 1...
hindi ko makita ang connection...
sayang sa panahon
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
CHRISTMAS
Na LSS ako ng Ilang tulog pa ba...
feel ko ang christmas... maybe because i chose to...
happy naman kasi ako sa mga nangyayari.. except dyan sa feng shui na yan...
got gifts na from paula and auntie lynda
hindi pa complete ang gifts ko para sa mga tao
nabigay ko na yung kay thea... baka magamit nya sa fashion freedom goal nya eh
well sinabi sa mass na hindi ito important...
kasi ang mas important is yung pag accept natin kay Christ
pero kahit hindi importante... nakakabigay naman ng saya....
Gusto ko ng lyrics ng "i'll make my heart a bethlehem"
parang yan ang gusto kong ipag reflect na song...
para i can make my heart as accepting as possible...
Pinag usapan namin ni Ervinne ang noche buena
ang dami naming gustong food...
at hindi naman bagay ang bawat isa...
kasi gusto ko ng siomai at ng california maki...
gusto din ng pancit malabon, ng kfc.. at marami pa
pero ayaw ko sumakit and tyan ko sa araw ng pasko...
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
BUSINESS
happy ako kasi yung first choice na name namin ang natanggap
Perfect moments wedding and events specialist
sana with that mas maraming client
marami kasi ang nagsabi na ang negative ng black box...
super gusto ko magka 12 client for 2005
so far may 1 na na sure... si mary anne
sana maging okay si
mutya
mukha photography na mag papasok ng client...
sana marami pang mag inquire
nakakaaliw din kasi kanina
nung tinitingnan ko yung chance if okay na kaming 4 nila (bubi, john, jaja and me) magbubuo ng team.. mukhang okay
Jaja = in charge sa reception (design, logistics)
John = in charge sa program with the sound system thingy
Bubi = in charge sa church
Erika = assigned sa couple, ako kasi ang taga kausap sa kanila ngayon eh
tapos kami ni jaja yung assigned sa hotel pag make up time and photo session....
john, me and bubi can drive na naman...
i can use my car
or use john's car
bayaran na lang ang gas....
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
PSI
Can't wait na for bubi to attend the basic seminar
buti na lang may discount
from 7300 naging 5000 na lang...
buti na lang din na out of that 5000 may 2000 na...
3k na lang ang kailangan naming i raise...
guaranteed na magugustuhan nya
wala namang lumalabas ng seminar na hindi satisfied eh...
para kaming pinasinghot ng drugs...
Speaking of bubi...
naaliw ako...
nakabenta sya ng 2 damit mula sa paninda ni arlene
sana makabenta pa sya bukas...
para konti na lang yung ibabalik namin kay arlene...
pero honestly, i find it funny...
imagine, minsan okay lang sa akin maliit ang kita
kasi mas happy ako sa thought na nakabenta and naka close ng deal...
WALA LANG
naaliw lang ako...
parang ang dami kong nagagawang work
kasi hindi ako natutulog
ang sarap kasi mag work pag gabi
tahimik lang kaya parang okay ang flow ng pag iisip....
xoxo Ü xoxo
visited dreamland @ 3:09 PM
Wednesday, December 15, 2004
nakakatawa, kasi parang gusto ko mag blog na lang ng mag blog
wala naman kakaibang nangyari sa akin...
basta right now,
i want to balance my life according to psi's peace of mind square
balance ang spiritual, emotional, mental, and physical
kaya super hopeful ako na mabuo ang singles this year to help me sa relationship ko with God. super excited na ako kasi masasabi kong may improvement na ang relationship ko with him. pero gusto ko mas mag improve pa....
can't wait to have my tread mill na rin for my physical...
can't wait to learn from experiences na from my business for mental...
and can't wait na for the next basic kasi alam ko na mag i improve ang emotional side ko dun....
~~~
happy rin ako kasi vacation na nila jaja and bubi
puwede ko na silang guluhin...
ehehehehe...
medyo last week ko pa inaabangan ang bakasyon...
non stop na nga ako sa pagtanong about sa mga project and exam nila eh
can't wait to have a meeting with jaja na regarding our business kasi gusto ko maayos na agad.
can't wait to have a bonding na with bubi... busy na sya lagi....
ÜÜÜ
visited dreamland @ 1:16 PM
Things i want to have
- Tread mill
- more bags
- more kikay stuffs
- my own bible
Things i want to learn
- i want to learn more about God.
- i want to learn more about the weddings
- i want to learn more about putting up a business
- i want to learn to drive alone
- i want to learn how to be understanding enough
- i want to learn how to be more patient
- i want to learn how to be more accepting
Things i want to get rid
- i want to get rid of my sleeping habits
- i want to get rid of my excess eating habits
Things i want to do
- clear up clutters
- overnight with friends
- start and end my scrap book project
- enroll in businessmaker
- open a bank account
visited dreamland @ 1:08 PM
Tuesday, December 14, 2004
super okay day today
putol putol yung tulog ko because of people inquiring sa wedding business..
yung isa nagbayad na...
inaayos na lang namin yung some few details
yung isa naman nag papasched ng meeting sa Dec 27
magbabayad na raw sya ng downpayment
yung isa, isang photographer na gusto mag pasok ng client, bigyan lang daw sya ng commission.. oo ba!! so mag me meet kami after christmas
yung isa naman, isang photographer na gusto mag lagay ng picture dito sa house / mini bridal shop...
what is the universe telling me?
ngayon ko pa ba hihintuin???
grabe, halos wala na akong effort dyan...
kusang dumadagsa...
ang saya saya...
-Watched the first dvd of 24...
napanood ko na yun eh...
refresher na lang...
atleast naumpisahan na...
yan ang gagawin namin after mag noche buena...
activity ng magkakapatid...
-Went to st. peter because of a favor
i was able to tell ms. secuya of a secret i've been keeping for like about 6 years
alam ko na hindi naman nya talaga dapat malaman...
but i felt liberated...
-nakabili si bubi ng sun cell ulit...
sana hindi na nya mawala
-i was able to get dti application form
-inalok ako for a free bazaar na half day lang
sana marami akong mabenta Ü
-had a good rehearsal
grabe...
ang saya... everyday na lang happy ako...
for reason i don't know, excited na ako mag staff sa January basic
maybe because of bubi... enrollee sya...
pero grabe...
thank you Lord,
you've been so loving and nice to me...
you helped me feel okay everyday of my life...
you are my mastermind, the God of my heart
and you are my companion
you are my partner
you are my bestfriend
you are my lord!!! and that is more than enough reason for me to be happy....
visited dreamland @ 11:15 PM
Monday, December 13, 2004
miss ko na mag blog....
nag crash ang computer namin...
anyways,super tired ako today...
galing ulit ng divisoria to buy some stuffs
nabili ko na din yung wallet na nawala when ja and i went to divi
kakatapos lang ng psi basic bastch 194 yesterday
i am so amazed... kasi i've been reauditing for a lot of times na pero
i get to learn something new pa rin...
and laging super specific...
this time, i realized na, sometimes pag may ginagawang something that is not pleasing to my eyes ang friend ko.. i give up and let them go or give them the space they want pero not hoping of anything...
then sabi sa akin ni tom, so ganun na lang yun?
parang nag invest ka ng 100& the 85% went so well pero the 15% failed then give up na lang... paano naman yung 85%
tapos it made me think na oo nga naman
why not i understand ko na lang yung tao more.
baka mas better pa...
tsaka why concentrate on the 15%
when the 85% is bigger...
happy rin ako to see john enjoyed the basic
sabi pa nya, nahanap na nya yung matagal na niyang hinahanap sa life nya...
happy ako to see patrick, glendale, andrea and khalil grow na ganun ka bilis...
happy ako i felt God again through psi...
happy ako... sana happy lahat ng tao...
visited dreamland @ 4:50 PM
Sunday, December 05, 2004
for the past 2 days ito lang yung nasa mind ko...
1.) According to Fr. Garry, in order for us to know kung yung gagawin natin is what God wants us to do... we need to ask ourselves kung magiging happy lahat ng tao sa decision natin.
it made me think kung kailan naging hindi happy ang family and friends ko???
-nag resign ako sa mocha blends.
hmm... hindi ko na alam.
in terms of career and family: mom sometimes feel bad, parang minsan wala ng patutunguhan... pero everytime i explain okay na... konting patient lang...
friends: so far, masaya naman ang friends ko to be with me, we try to help each other as much... so feeling ko.. i'm on the right track pa
2.) Most fights come from expectation and lack of communication ("alam na nya yan" kahit hindi pa...)
Friends
as a friend, nag expect na andyan parati ang kaibigan sa tabi...
sa sobrang pag expect, hindi naka communicate...
inassume na alam na ng isa't isa...
ayan... result: bokya
si dino and malou
nag away because nag expect si dino na susupportahan sya ni malou kahit na hindi nya sinabi kay malou kung pano sya masusuportahan...
hindi nagawa ni malou dahil hindi naman nya alam na yun yung gusto ni dino...
ayan na sabotage ni malou ang plano ni dino ng walang kamalay malay..
result: matinding away (buti na lang at may jolinne na nagpabati sa kanila)
lovers
kulang daw sa time..
expect kasi ng expect na laht ng oras ay ibibigay... yun naman daw ang tama sabi ng society...
ayan naging busy ang isa... nauwi sa hiwalayan...
parent-child
expect ng magulang susunod sa yapak ang anak..
eh ayaw ng anak
ayan nagka world war ang bahay...
....
sana masanay akong hindi mag expect...
~~~
funny si jaja kanina
kinuwento ko sa kanya yung secretary namin..
nung nanganak... kasabayan nya mga 14 years old...
biglang sinabi ni jaja... sabay na lang daw kami manganak
ngeks? panu kaya? ehehehehehe
~~~
ang saya ko... i was not in my best state kanina and yesterday...
wala ako sa mood. monthly period...
super nakasimagot lang ako sa lahat...
mga mali lang ng tao napupuna ko...
-good thing i was able to shift the mood...
-good thing na my friends (jec, jetsson, jaja john and bubi) gave me the chance to shift. parang inintindi nila yung feelings ko, hindi sila nainis, and they even supported me na para maging okay na feeling ko...
FRIENDS!!! super thank you... i really appreciate it.
visited dreamland @ 8:27 PM
Friday, December 03, 2004
hehehe bumagyo lang ang pilipinas binagyo na rin ang pag blog ko...
well. ano nga ba nangyari sa life ko??
tuesday- nag bank lang kami and nag driving school ako... medyo raining na.. katamad na rin lumabas per nag rp kami sandali ni bubi... merienda sa chowking, tingin ng treadmill and rubbershoes... nagpagupit si bubi sa quadro...
wednesday- buong day ako tinatamad gumalaw, when finally sabi ko sa sarili ko na kailangan ko pumasok sa driving class ko and pumuntang psi.. grabe, ibang klaseng paghihirap pala pag nlalabanan ang katamaran... lahat ng reasons for not moving eh nagsisi sulputan... tapos papunta na sana ako, kaya lang ang ingay ni achi.. sinabi ba naman kay mommy na mag co commute lang ako.. ayan sermon to the max ang inabot ko.. hindi na ako pumunta...
well, one thing na kinaiinisan ko is... masyadong takot ang mga tao. akala mo tuwing lalabas ka ay may mangyayari... so since walang car ayaw na nya ako lumabas... eh kung wag na lang kaya ako lumabas araw araw, wag na lang magtrabaho kasi wala naman akong kotse??? minsan weird talaga mag isip mga tao. hindi ko maintindihan...
tapos nung umuwi sya nagalit sya when she found out na nag spag strap lang ako nung 10th anniversay... kasi daw baka sabihin ng tao na ang taba taba ko, na baka pagtawanan lang ako..
hindi ba alam ni mommy na wala akong pakealam sa sasabihin ng tao, wala akong pakealam kung for them mataba ako, wala akong pakealam kung napapangitan sila sa suot ko or sa akin mismo... wala akong pakealam dahil hindi naman sinabi ng diyos na bawal ka sumuot ng pang sexy kung hindi ka sexy.. besides eh paano yon for me i am sexy and nobody can invalidate that kasi yun yung tingin ko sa sarili ko...
lastly, i'm in a safe environment... environment na lahat positive...
thursday- got my license na!! yahooo... after procrastinating for like about 2-3
years... tapos inutusan kami sa bank.. tamad na tamad na ako.... feeling ko bumabagyo na ng malakas.. kahit na hindi naman malakas nung hapon...
tambay lang dito sa bahay nung gabi.. eh syepre peak na daw yan ng bagyo alangan naman gumimik pa ako...
today (friday)- wala magawa.. niyaya ako ni ja na ituloy yung pag punta sa chocolate lover... made me decide na yun na lang yung ibibigay ko sa mga ibang friends ko sa psi... ehehehe para tipid... nakabenta din ako ng mga pambatang damit kay cely and kay achi.. ang saya saya... tapos interested din sila jun, joanne and clara.. yehey... sana madami akong mabenta... nasa mind ko kasi na kahit maliit lang yung kita, puwedeng ipambayad ko din yun ng mga gift ko sa 2 kong inaanak... Ü
antok ako ... tamad.. siguro psychological kasi bagyo ....
visited dreamland @ 5:39 PM