Monday, November 29, 2004
grabe, kung ano yang subject, yan lang ang ginawa ko...
actually hindin ga kain, kasi lumamon ako...
birthday ni paul today, lumamon ako sa cabalen.. i guess lahat ng andun lumamon din... nakaktawa kasi pag pasok ko nakita ko agad dad ni paul, nag beso beso ako.. sabi sa akin, beso beso din daw ako sa mommy ni paul kasi baka magselos.. eheheheh hindi ko yon naisip... anyways, naka 2 rounds ako sa entree and 1 round for dessert.. grabe super busog ako nun na tinulog ko na lang kasi hindi ko na alam ano pa gagawin ko..
so anyways, ayun na nga after nun tulog lang kami ni jaja dito...
late na kami nagising... siguro mga 3 hours din kami nakatulog..
cancel ang practice
wala na magawa
mamaya gagawin ko na yung goal ko for the week
visited dreamland @ 9:52 PM
i'm supposed to be sleeping na.. ilang beses na ako humiga kanina kaya lang... medyo shocking yung news sa friend ni ahia... si richard daw nasaksak... and ang nakakainis pa is that.. gusto ni mommy malaman saang hospital dinala kasi pupuntahan ni ahia at itong si ahia ayaw alamin as in ayaw tumawag kung kanino man para mainis si mommy... ayan ang ending ay.. si daddy and sinermonan ni mommy...
siguro sa isang family, normal to... pero ito yung pinaka ayaw ko.... (sino bang may gusto?)
friday
~~~
nag shopping galore kami ni jaja sa divisoria
was able to buy the ff:
fabric for bubi's pants,
fabric for my skirt,
hats na pang regalo,
wallet na pang regalo, na nawawala.... =(
~~~
First day din ito ng driving lessons ko...
at first, bitchy yung teacher ko...
pero sige lang...
towards the end ang bait na nya... kasi rumaraket... gusto nya aral ako driving.. pero hindi na sa socialite... sa kanya na lang daw personally...
(kaya hindi umuunlad ang pinas eh!!)
nung unang napaandar ko yung car, panic to death ako.. ehehehe pero eventually naging okay naman... Yehey!!!
~~~
nung gabi na, andito si jaja pero hindi ko sya talaga na entertained because kinukulit ako ni john que na para kausapin sya (sorry ja!)
so kinausap ko muna ang aking ever dearest coach/friend jolinne...
tapos nung gabi finally pumayag na ako kausapin sya
ito yung na realize ko
"Nobody can invalidate what is true for me, and i cannot also invalidate what is true for other people"
for me john is taking, negative person, victim etc.
but for him hindi naman...
i respect him in that sense...
pero isa lang ang ibig sabihin nun
hindi namin puwedeng ipagpilitan ang sarili namin sa isa't isa bec. hindi kami align... with that... nawala lahat ng inis ko... i was liberated!!!
SATURDAY
went to a wedding of someone na hindi ko kilala..
friend ni achi from heroic
and nakakahiya kasi nakamaong lang ako... kaya sa likod lang ako nag stay... i'm not suppose to go there kasi eh... dala lang ng pagkakataon...
nakakainis pa kasi naipit yung isang plant sa pinto ng van kaya ayon...
nilanggam ang buong van... at ang worst pa is, hindi ko alam ano gagawin ko kasi nung pagsakay ko, naiihi ako....
tapos we went to buy food sa quick stomach sa makati ave.
the place is so-so pero mura ang foods...
kaya naisip ko agad i suggest sa mga kinauukulan para next time hindi na kami iisip ng makakainan...
bought 2 pcs chicken and coke light - 105 pero super busog as in parang pang dalawang tao....
sad thing lang is that, narinig ko yung story about sa kinasal..
hindi pa pala sa sure if tama yung ginagawa nya kasi may isa pa syang mahal na guy.. lumayo nga lang yung guy dahil sa work.... kaya ayun... hindi sya mega happy...
so ayun, we went to psi na for the 10th anniversary...
joisce, john, chamie, joey, nice, trina, rj, danna, larry and me ang mga from xx3
not bad.. 10 out of 19.. sayang nga lang kasi last minute nag back out si thea.. hindi ko alam kung bakit...
nakakaaliw yung gimmick na ginawa ng mga nag head nitong activity.
kasi ang theme is parang nasa airplane kami
kaya gumawa sila ng boarding pass and luggage tag. tapos parang flight attendant talaga yung suot nila... ang cute
nung nasa bus na kami, nag serve sila ng cocktails, fruits, wine, juice, etc.
ang galing galing... aliw ako to see tita yeyette again..
dumami yung kakilala ko...
nakakwentuhan ko rin ng kaunti si merriam quiambao...
tapos naging friends kami na cla - daughter ni tita yeyette.
nakilala ko si joma from cebu na wedding coordinator din...
nakilala ko rin si kirby from cebu na entrepreneur at dumadami ang business doon.
hmm... sino pa ba???
pag dating doon, nag refresh kami ng kaunti and had an introduction session,
tapos snack na may sharing of what legacy we want to leave behind.
sabi ko i want to make a difference in other's life by being selfless and supportive leader and by being an effective life coach... shocks gusto ko pala talaga mag coach.... bakit kaya yan lumalabas sa akin?? hindi ko naman yan gusto dati eh...
tapos may pinanood na super short clippings, about legacy ulit.
tapos nag prepare na kami for the graduation
naloka ako kasi walang marunong mag ayos ng hair ko.. buti na lang na carry ko yung ginawa ni joisce kahit na hindi ko super type kasi medyo loose ang pagkatali...
tapos sad pa kasi nabasag yung victoria secret ko na perfume.. buti na lang konti na lang yun...
grabe buong time picture picture lang kami.. ang daming may dalang camera...
ako, yung phone lang... pero okay lang.. hihingi na lang ako ng copy sa kanila...
pero ang saya, may one time nga nakausap ko si tita yeyette, sabi nya tama lang daw na nabreak yung mastermind. naawa na daw sya sa amin kasi alam nya kahit hindi kami magsalita, nahihirapan na kami makipag deal with john. hindi ata sya align sa mundo kasi pati sila tita yeyette ayaw sa kanya.... awa si tita yeyette kasi alam nya na dati ako yung kinukulit nung taong yon...
umuwi ako nung gabi, kahit prepared ako mag overnight kasi walang mag o overnight from my class, sayang naman yung gagastusin ko kung hindi naman magiging sulit kaya ayun umuwi na lang ako
had a great time chatting with joisce nung pauwi. ang dami kong na share. pati yung isang secret ko na si chamie and si bubi lang ang may alam at wala ng iba ...sinundo ako ni dad sa psi and hinatid namin si chamie and si joisce. finally nakilala na rin ni daddy si joisce.
~~~
SUNDAY
hindi ako na late sa mass dahil ginising ako ni imelda
i really find this maid great.
sya yung sa tingin ko mag so soar high among our maids
sya yung pinaka malinis in terms sa paglilinis ng bahay
sya yung may kusa
sya yung proactive....
idol ko sya sa work....
anyways, nakakatawa kasi hindi ko alam na o come divine messiah yung entrance song kaya pinamigay ko yung o come o come emmanuel... eheheheh tapos parang hindi kami prepared for the entrance song dahil sa akin... ehehehe pero na carry naman namin... so okay lang..
feeling ko talaga minsan kulang ang mass.
parang nung homily, nakikita ko yung point pero parang salitang umaagos lang...
walang feelings, walang realizations....
after mass, dumating si arlene,
we went to quiapo, hinila ko si jja khit na ayaw nya
kaya ayan, ginutom at na wala sa mood.
kaya hindi na kami pumunta dun sa may mainit na part.
bought bec of you na vcd pero malabo yung ending kaya hindi ko sure kung ano nangyari sa ending pero okay lang.. atleast alam ko yung story and nakita ko sandara .... curious kasi ako kung okay sya umarte eh.. hmm.. okay naman yung pag arte nya...
nung papunta na kami sa wai ying, nahirapan ako... ang init init
parang ayaw ko na magsalita kasi na dra drain ako sa sunlight (ehehhe ang weird.. dapat energizer yun)
so ayun we went to wai ying, i ordered for soy chicken...
first time ko yan inorder... masarap naman....
hindi na ako nag order ng dimsum kasi nagtitipid ako for my goal...
nag spend ako ng 95.00 which is okay na...
pag dating namin practice na... nagulat ako sabi ni ate, okay na yung ilang tulog pa ba... e parang hindi pa nga eh... eheheh pero sige bahala sya... basta gagalingan ko na lang....
hindi na ako sumama kay jaja manuod ng sine
hehehe tipid muna
watched bec of you and big fish pag uwi...
tapos nag dinner na kami
supposedly mag starbucks kami pero si daddy nagtelebabad...
so kami na lang din ni bubi nag usap...
told him na parang wla na kami time lagi..
tapos told him na ayusin na nya finances nya
and as much as possible hindi na kami lalabas pag wala syang money
para pareho kami makatipid....
ÜÜÜ
visited dreamland @ 1:46 AM
Friday, November 26, 2004
na shock ako nung sinabi to ni ervinne sa akin...
hehehe... parang feeling ko naku, ang dami ko pa gusto gawin before christmas...
i graduated shooters early this month...
after shooters i honestly gave my goal which is to have my bridal shop by dec 2005, and naisip ko na june of 2005 na lang pero kabado ba ako na magawa ko yon...
kanina, jja and i talked... and napag-usapan namin yung magiging office namin since maraming client ang gusto makita ang office ng supplier...and finally gagamitin namin yung sa may aquarium... tapos nung napag-usapan namin yung mga things na gagamitin... aba so far eh less than 1000 pa lang yung gagastusin.. tarpulins panaflex.. konting paint... ayos na...tapos si john mag dodonate pa ng table... wow.... i would consider this a dream come true na kahit na not as bongga as i want.
(ja: 1+1=3 Ü)
~~~
thank you lord talaga,
i feel sorry for not trusting you enough, sorry for giving up...
pero super thank you talaga....
~~~
gusto daw ako kausapin ni john que.. according to chamie...
ayaw ko na sya kausap, knowing him, akalain na naman nya na kinakawawa ko sya...
naisip ko na why talk to him if ayaw ko talaga...
kahit minsan naman sa life ko na maging matatag ako sa na fe feel ko...
na hindi na lang ako nang ple please ng tao to my own expense...
ayaw ko sya kausap eh... ano bang pakealam nya.... life ko to eh...
dati akala ko bad ito? pero hindi na...
kasi minsan may mga things na mukhang bad...
pero hindi naman bad ang intention...
parang mga blessings in disguise ...
hindi rin na man win win kung kausapin ko sya because nakaka drain sya kausap...
parang hinihigop yung buong energy...
napagod na ako...
visited dreamland @ 1:41 AM
Wednesday, November 24, 2004
sabi ni achi nung nag break ang mastermind nila, tsaka natupad mga ni request nya...
ayaw ko yan ang maging mind set ko, pero mukhang totoo.. for some strange reason. ayaw ko rin na isipin na nagkatotoo lang to because break ang group namin...
here are the things na nangyari
-yesterday, may tumawag sa akin, matagal na syang tumawag before pero hindi ko na follow up, but anyways, she seems interested sa wedding coordination, ang magbabayad na raw sya come dec. yipee!!!
-tapos themes and motifs called kanina and referred somebody, nakausap ko sya kanina pero hindi ko pa alam if interested sya, i'll keep my fingers cross muna, pray harder and visualized. (kahit na hindi ko alam anong rate ng chance namin right now kasi gusto nila yung coordinator na may bubble machine pa.... hindi namin kaya yon because super small lang ang binigay kong price)
-finally, dad will buy tread mill na for me... 1 year ko syang niligawan ko that...
-nafight ko ang isang obstacle ko.. laziness/procrastination. so kanina nakapag enroll na ako for driving class... yehey... (obstacle ko yan for about 2-3 years now)
-for some reason, i felt so positive sa tektite, siguro with our conversation yesterday na mukhang nasa good mood si rowena
-okay din yung conversation namin ni mr fuentes, nagka prob ng kaunti but he's willing to help me para ma solve ang problema...
-lately, laging good mood si bubi.. hindi ko alam ano nakain nya... anyways, basta ayun...
-lately din, labas kami ng labas nila jaja, hindi ko alam kung for them magastos na or not, pero feeling ko, mas hindi ako magastos this time, na eenjoy pa din naman kasi namin yung dvd watching namin together... parang simple event lang, pero we choose to do it together kaya mas masaya...
-tapos parang super bonding family, everynight....
tama nga, ang happiness is within us na, tayo na lang ang bahala on how to dig it up... Ü
visited dreamland @ 4:18 PM
Tuesday, November 23, 2004
yesterday was a day full of test.
hindi na ako natulog nung gabi coz alanganin na... 3am hindi pa ako antok.. and i need to wake up at 4:45 for the send off... so ayun nag nap lang ako for 20 minutes nung 4:20 na...
sinundo namin si chamie and si joisce...
nung nasa labas na kami ng village ni joisce.. nagkaproblem kami...
biglang namatay yung car.. akala namin at first may problema sa battery.. anyways, iniwan na lang namin and went to send off... "I LIVE A LIFE OF EXCELLENCE WHERE COMMITMENT AND NOT CIRCUMSTANCES DICTATES THE OUTCOME"
Pagdating namin... nasa bus na yung mga participants...
but anyways, nagka chance ako of saying goodbye and i'm happy for them kasi pinaakyat pa kami sa bus... ang kakilala ko lang talaga doon is si jed, chiara, nel, arnold, and tito mon and bid goodbye to all of them...
went to eat at mcdo, we're talking about joh que na din because, we realized na hindi na effective and mm namin because nadadamay kami sa pagiging negative nya na tao. sometimes he refrain from talking negative pero yung aura nya is really negative din... so ayun, suggestions we got from my sis and clara is tanggalin na lang sya, kasi sila nga sa sobrang same level ang energy nila, pati yung request nila is connected sa isa't isa... nakakainis pa kasi we're to meet at mcdo... tapos as usual hindi tumupad ng usapan si john...
then nagtaxt kami pabalik sa car, then nagpunta na sa bahay ni joisce to really talk, andun na kasi si thea... sabi ko sa kanila na i won't stay long... i can't.. si joisce din pala... sabi ko i need to stand on what i believe and what i want... so sabi ko hindi ko kasalanan na late sya, i have other things to do.. aalis ako pagdating ng sundo ko... naabutan ko si john, we told him na we'll put na mastermind on hold, kasi pangit na yung situation ngayon, minsan feeling namin obligation na lang sa isa't isa. resume na lang on jan. tapos nagulat sya and sabi nya na what happened.. parang sabi nya na ang daming pangit na nangyayari sa life nya, dito na lang sya kumukuha ng lakas, tapos ganito pa ang nangyari... so once again victim na naman sya.. then i realized na ayaw ko ng ganung love, ayaw ko ng tulungan para maging okay.. because for me, i'm okay na... what i want is yung love na we're helping each other in soaring high... naniniwala kasi ako na hindi ko naman sya talaga matutulungan eh... kasi ayaw nyang tulungan ang sarili... naniwala ako na in order for us to be okay is to believe that we're okay kahit everything around us is shit... kasi lagi na lang naman natin dinidictahan ang brain natin na hindi tayo okay eh... bakit yung mga tao, iba walang tirahan, walang pagkain, wala lahat pero for them they are okay...
tapos on our way home kausap ko si achi, sabi nya unfair daw si john kasi parang he uses us for him to feel okay to the point for nagiging negative na din kami...
sabi ko sa mm ko na if hindi aalis si john, ako aalis... kasi ayaw ko na rin maging unfair na twing mag mm hindi ako sa best state ko and nadadamay sila...
anyways, the whole afternoon medyo wala nangyari
except sa nakuha ko yung letter kay uncle alex, na hindi ko nadala sa tektite due to circumstances i allowed to come in.. (ooopppsss, too bad)
tapos, kukunin ko sana yung atm kaya lang kulang yung dala kong id.. kakainis.. ehehehe
anyways, nagkita na lang kami ni john, inayos namin yung computer then, nag nap ako ulit
nung gabi, we went to greenbelt to celebrate john's birthday. ate at d marks and watched bridget jones...
pag uwi ko knock down na
~~~
kanina bumawi ako matulog so i woke up lunch time na
good news, may nag inquire na naman sa wedding and 2 pa sila..
so sana kahit 1 lang sa dalawa maging okay
i'm supposed to enrol sa driving school kaya lang nawawala ang student's permit ko kaya ayun hindi na ako naka enrol... tom na lang kasi nahanap ko na sya... eheheheh
john, jaja, bubi and me went to quiapo, bought some dvd para mkatipid kami instead of watching sa wide screen, eh almost everyday na kami nanunuod eh... kakapanood lang namin ng mulan 2. actually dapat hindi na ako sasama kasi ginagwa yung banyo, hindi ako makaligo.. pero sabi ni jja na eh 2 naman cr nyo ah... so ayun, nagpapilit ako kaya sa baba ako naligo today... matagal na ako hindi nakakaligo sa baba kasi hindi ko feel doon eh... tapos before namin dinaanan si bubi, we went to st. peter para ayusin yung outreach activity for saturday. ang baho sa labas ng office ni fr. manny... naki cr kasi dun yung mga galang pusa... tapos kumain din kami sa canteen. what i found out is that ang jimini pizza pala ay hindi na fra franchise kungdi dealership lang... at once again, mukhang gusto kong pasukin, pero panu? hindi ko alam? gusto ko ba sya talga? not really pero good idea.. bahala na....
visited dreamland @ 6:40 PM
Monday, November 22, 2004
2:45 am na... and 4:45 ako magigising, inaantok na ako actually kaya lang.. parang yung mind ko ayaw pang matulog, ang dami pang iniisip.... and okay naman kasi super productive, ito yata talaga ang time ko to think pero indi ko alam yung na program ko lang yun sa sarili or may scientific explanation for this.
just emailed agenda for meeting kay jaja with all my comments so parang pag nag reply sya eh nag meeting na rin kami. hindi lang to the last details.
kani kanina, inaaral ko yung financial life ko, and funny kasi sometimes i feel na wala akong na sasave pero nung nakita ko na yung collectibles ko.. nalalampasan nya yung na set ko na goal kaya happy ako.
i asked dad for 4 things for christmas (though sana he would give me more.. ehehehe)
1. driving class - he gave me money na para i can study sa socialite this week.
2. contact lens - hindi ko pa alam when to ask but mukhang not this week
3. bank account - mukhang hindi ko na kailangang hingin pero if binigay nya eh di better
4. tread mill - gosh tumataba na naman ako... last year ko pa ito hinihingi even before nasunog house namin... siguro ito yung pinaka gift nya sa akin... na hindi ako nanghihinayang hingin kasi alam ko magagamit naman ng buong family.
hindi pa kasama yung christmas list ko dyan kasi from dad lang yan eh.
ang xmas list ko ay:
1. scrap book.
2. kikay stuffs.
3. french press.
4. bag (kikay bags, and pang overnight bag)
list of the stuffs i want to buy before christmas
1. skirts
2. glitter eyeshadows
3. more sexy shirts - hopefuly within the week maka shopping kami ni lynette.
4. rubber shoes - ordered na kay daddy... sketchers pero wala pa sa akin as of the moment.
reasons why i want to earn and save; (short term)
-i want to pay all my debts
-i want to help bubi sa pag enroll sa basic seminar
-i want to save atleast 25k by april 2005.
-i want to buy good birthday and christmas gift for bubi and my close friends and family members.
sabi nila wag daw maging materialistic...
eh kasi naman hindi pa ako nag shopping talaga after nung nasunog house namin
1 year na yun... 1 year na ako nagtyatyaga sa super small stuffs ko...
i find it funnyn a lately kailangan nakalista lahat ng gagawin ko, lahat ng gusto ko kungdi makakalimutan ko..
visited dreamland @ 2:44 AM
Sunday, November 21, 2004
dito ako sa haus... andito si jja and si jec.... manunuod kami ng second half ng the notebook..
gusto ko sana sumama manuod ng game nila ahia ngayon since andun lahat ng kapatid ko.. kaya lang what stops me is that ayaw ko ulit mag mega roller coaster pag nakita ko si... basta sya na yun...
funny quotes na nabasa ko sa book...
Personal success, however, is not just about feeling good or happy with your life. it also involves feeling confident that you can get what you want and motivated to do what it takes.
The common sense of one generation was always a new discovery to previous generations.
if you are looking to experience a life without the flow of negative and positive emotions, visit a graveyard and rest in peace.
We are seeing through the illusions that there is only one way, or one superior people, or one superior taching or religion, for all people.
joy beings to last when we believe and regularly experience that our happiness is not dependent on outer circumstances.
Material success can only make you happy if you are already happy.
ayan... nuod na ako...
visited dreamland @ 4:40 PM
Saturday, November 20, 2004
right now, i'm having a hard time sa paglagay ng picture.. hindi ko alam kung ako yung hindi marunong or ayaw maki cooperate ng picasa... maya maya na lang...
we're supposed to have a music ministry practice right now, kaya lang walang jeyboards kaya ayun punta sila kayla jaja to get the keyboard at dito naman ako to check mails.. waiting for jec na dumating.. though feeling ko nasa st. peter na sila...
hmmm... nakakatuwa kausap si jaja... medyo intelihente talks na kami ngayon...
ehehehehe....
madami bibili ng jollibee coupons ko tom. swerte ko naman.. yehey..sana dumami pa ang bibili para enjoy.... makatulong ako sa mga dapat kong tulungan....
visited dreamland @ 4:12 PM
i'm kindda tired ngayon 2:00am na... and 7:45 am ako magigising.. mukhang puyat puyat na naman... pero diba it's just a program...
kagagaling ko lang sa coffee ni thea and i'm happy to see na successful sya...
nag enroll yung ka network ni achi si gerry.. na hopefully ma spread nya ang psi if ever na makita nya ang value nitong seminar...
promise ko sa sarili ko na dapat may growth ako each day
i believe na meron naman talaga pero gusto ko yung nakikita ko lagi...
well, happy ako na nakaalok ako ng jollibee coupons, wala pa talagang bumibili pero i'm very hopeful na may mag-oorder.. maliit lang naman talaga ang kikitain ko dyan eh.. not enough for a jeepney fare.. pero meron pa rin and atleast ma practice ko ang selling skills ko....
i need to call rowena of tektite tom morning.. to ask her something.. sana makausap ko sya para matapos na ang questions sa mind ng auntie and uncle ko...
kasi personally, mas gusto ko mag start early kaysa makuha yung best spot pero sobrang tagal pa kasi same naman ang client everyday eh... so i don't think malaking factor nun... not unless pina feng shui nila... i don't really know....
pag nagawa ko yan.. i big step na yan...
kanina nakita ko si roy, i feel weird,tapos nabanggit pa nya na he'll be coaching this coming feb. sa loob loob ko.. oh no.. pano ko pa yan mabibigyan ng chance... tapos on our way home, tinanong ako ni achi if nag-uusap daw kami ni roy, sabi ko, hi and hello lang pero hindi na kami nag kukuwentuhan... (because nainis sya one time sa akin for reasons na for me ay hindi valid) sabi ni achi sa akin, baka hindi na nya naalala yun, tapos ikaw affected... tapos naalala ko si jolinne.. ang aking coach na bday nya today... kasi one time nakuwento ko sa kanya yung nasigawan ako ni fr. pete kaya hindi na palagay yung loob ko sa kanya... sabi nya, gaano na katagal yon.. sabi ko, mga 4-5 years ago.. sabi nya.. sus baka naman hindi na nya alam yun...
well, shocking pero yan pala ako.. may ganyan pala sa pagkatao ko... which i want to erradicate... buti na lang napansin nila... well, hindi naman ako galit to roy and fr. pete eh... walang galit na natanim pero pain siguro meron... pero as i said.. buti napansin... para magawan ng paraan para ma heal ang pain na yan na eventually talagang mawala na...
just read jja's blog.. hindi ko na expect na excited sya (ja don't worry, naka set na ako.. next week libre kita banana split sa pca).
~~~
minsan pag nagpapaka analista pala ako, marami akong natututunan..
na realize ko na hindi na pala kailangan ni bubi mag work outside...
kailangan na lang nya matutunan mag tipid and prioritized ang pag gastos...
sad ako wala sya tom. kasi sasama sya sa pilgrimage... pero siguro blessing in disguise kasi hindi sya gagastos... at same here... makakatipid din ako na kaunti.. that will help me with my goal.
pero syempre bottom line.. sya pa rin mag dedecide if he wants to work outside or not.
right now, mas nakikita ko na mas happy ako to work with psi na... i want to see people shift kasi from being negative to being positive, from feeling unworthy to being a great person, from being selfish to being selfless and i want to see them breakthroug .... though hindi ko pa rin naman iiwanan ang choir...ngayon pa na psi grad na si roma, chamie, jja.. tapos malapit na maging psi grad si bubi (jan) and si john (dec)... sana majority mag join para positive lahat ng kasama ko... sawa na ako sa pagiging negative at victim... Ü
visited dreamland @ 2:03 AM
Thursday, November 18, 2004
for all my friends who touched my life or who became part of my life
i would like to thank you all and
i would like to let you know that i love you so much
and that i am grateful to God for giving me you...
visited dreamland @ 1:05 PM
medyo late ako nagisng ngayon... as usual...
john will join december basic. he will avail of the 50% off. siguro may nakita na rin syang positive changes kay jja... happy ako to see positive changes sa mga tao.
anyways, ano na nga ba nangyayari sa akin??
let me start with my wins
-as i said, nag down payment na si john
-lumiit na talaga bill ko sa globe dahil sa sun cell
-manunuod na kami ng movie on sat night.. because of you
-pumayag na si ja maging business partner
ano ba ang nasa mind ko today?
well, one is si john que. he made me reflect more. sabi nila pag naiinis ka sa mga tao most probably mirror mo sya.
ano ba ang mga ayaw ko sa kanya?
-super scarce mentallity
-dictator
-energy sucker
siguro sa dictator, aaminin ko na ganyan ako at times....
pero more one noon yon pero lately hindi na...
am i energy sucker na pag nakita nyo parang naubos ko na yung energy ninyo?
sabi ni achi minsan daw, pag naiinis ako pero ang maganda lang daw sa akin is aware ako kaya na kaka shift ako....
do i have scarcity mentallity?
may few moments lalo na pag walang laman ang wallet ko, pero ako ay gumagawa ng paraan ng hindi nandadamay ng friends ko dahil daddy ko lang ang dinadamay ko... ehehehe! go naman ako lagi sa mga lakad and money doesn't stop me from doing things.
sa mga nakakakilala sa akin na mabasa ito.. tulungan nyo naman ako...
baka naman wala talagang kasalanan si john que at kasalanan ko pala kung bakit ako naiinis sa kanya.... sige na nga papakabait na ako....
another thing na nasa mind ko is
i want to grow everyday, kahit little basta grow kaya as much as possible i'll do something that would help me grow pa.
visited dreamland @ 11:45 AM
Tuesday, November 16, 2004
antok pa ako... pero kailangan ko mag start mag work ng maaga today coz may gimik ako ng maaga mamaya...
ano ano ba ang mga nangyari sa akin???
Friday
sinundo ko si jaja sa csb para ihatid sa psi. medyo na late kami pero konti lang... late kasi natapos class ni jja and traffic as usual. after the first break na ako pumasok. naki chika chika muna ako. tapos nilibre ako ni patrick ng favorite kong sisig. dami dami ko nakain.. oh no.... as in OH NO!!!! (pero addicting talaga!!)
Saturday
Same din.. sa psi lang ako... pero naku nagdeclare ako ng weight goal ko.... and as usual since dineclare ko.. kailangan ko na talagang panindigan.. well okay lang since gusto ko rin naman talaga pumayat. tapos na enjoy ko ulit yung psi dance... aliw. aliw din ako coz ja and del signed up for shooters.
tapos humabol ako nung practice. iniwan ko si ja. tapos binalikan na lang after kaya lang napaghintay ko sya ng matagal kasi dinala ni jetsson yung car key at nakisakay kay popoy.. kaya ayun intay kami ng matagal tagal. funny nga eh nakatulog ako sa may mini garden ng st. peter sa pagod eh... pag dating namin sa psi mga 30-40 minutes na ata naghihintay sa baba si ja... tapos we ate at iceberg.. na ang bagal bagal ng service. then went to market market kaya lang sarado na yung mall kaya tumambay na lang kami sa may labas... and ate tahong chips... kakaiba...
Sunday
hindi ko nahatid si ja because dumating si jec dito para makiligo...and i find it nakakaaliw kasi mas malinis pa sila ni jetsson maligo kaysa sa akin... parang pinunasan nila yung banyo para hilig kalat yung water... ehehehehe pag naliligo ako madalas makalat yung water...pinahatid ko sya thru the driver and arlene na nakakatawa kasi sa kalabang repairshop nila hinihintay si jja...
medyo nakakatawa kami nung mass sa st. peter kasi ang hirap talaga pag kulang.... si roma lang ang soprano... hindi rin ako makakanta ng maayos kasi ang tataas ng mga song and walang alto parts like nung eagle's wings....
tapos humabol ako nung agape.. ang sarap ng food.. ehehehe naku... ang weight goal...
naaliw ako kasi ang saya ng preparation kasi birthday ni tito kokoy... may party hats, tapos may parang freedom wall na para kay tito kokoy lang... aliw na aliw talaga ako... tapos kakaiyak yung heroic t-up.. naalala ko yung heroic namin na super saya... 7 days full of love, healing, abundance... aliw kasi super dami nag sign up.. including del and ja... tapos umuwi ako para tingnan ni tony hair ko... sa may pa raw ako puwedeng mag pa rebonding... okay lang... so far natitiis ko pa naman hair ko... tapos ayun went back to psi with john, bubi, jec, jetsson for embrazzo and sinundo namin si ja.. then we watched the incredibles.
Monday
maaga ako nagising kasi si ervinne kinuha ng police. hindi kasi nagpaalam na picturan sila.... tapos si gorbot (Guard) muntik makulong kasi siya yung nag drive eh wala siyang lisensya tapos nung hinahanapan siya ng lisensya.. lisensya ng iba yung binigay niya... buti na lang to the rescue si cap and si chairman Valles... if not... kulong talaga... nakakatakot pa yung the way na sinabi ni arlene sa amin kaya nagmadali kami.
tapos pagbalik natulog lang ako ulit ng matagal... bawi sa lahat ng puyat ko nung weekend... pag gising ko wala akong magawa... as in... kaya ayun tambay tambay lang dito sa bahay... tapos nung gabi nag choir practice kami... na i find it okay kasi parang after a long while tsaka lang kami nag practice na buong buo yung mind ko doon kasi for the past few practice lumilipad sa iba ang mind ko sa sobrang daming magandang nangyayari sa akin.... tapos nakakatuwa pa kasi Vangie gave me the last bite of the go nuts she was eating... hindi ko alam what to react then pero inisip ko na lang na that might be a start of something new.... so win pa rin sya for me.
Tuesday
Grabe, to be honest, wala akong naaccomplish today and yet super tired... sumama ako kay mommy paputa sa office nila.... nakita ko na rin yung mga nangyayari doon... nakita ko na enjoy naman si lolit.. hindi na umiiyak si marge (purchaser nila) mukhang okay naman yung ibang new staffs ... pero malakas pa rin ang boses ni uncle jerry... ehehehehe... mukhang hindi na yun magbabago...
sinama ko si mommy sa meeting ko with auntie joy... ehehehe kasi feel ko lang.. so naka free good lunch din si mommy... ahahahaha.... tapos super okay kasi si daddy pumunta din doon.. ayan nagka ride na ako papuntang psi... nagintay ako ng medyo matagal kay ja pero enjoy naman kasi kakuwentuhan ko sila des, wowie and beth.... and natuwa ako kasi na follow up ko yung enrollees ko and enrollees ng friends ko... sana lahat maka down na tom... ang saya mang enrol ng mga tao... kasi ang saya makita yung changes sa kanila afterwards...
then we went to karen to get tickets for starbucks party, aliw ako kasi binigyan ya ako ng grad pic ko.. sa wakas kasi nasunog yung mga alaala ko ng college life ko eh... tapos ang cute ko pa sa picture (wehehehehe) na enjoy ko naman yung free drink ko... nakita ko si rex.... tapos went to ja's place at nanuod ng bitin na notebook... pag uwi ko... wala na eat and sleep.. nagising lang ako to finish my blog....
visited dreamland @ 8:53 AM
Friday, November 12, 2004
here are my goals
Professional goals
12 clients for 2005
secret spices to be settled
bridal shop
Action plan
attend seminar - business maker this dec
join 2 bridal fair (march and september)
to update the study i made
~~
make all the systems ready for the secret spices for jan. (DEC)
Delivery
Purchasing
Inventory
Service
Employees Rules and Regulation
Support needed
-i need people to refer black box.
-i believe na mas kailangan ko dito ang family support... i need them to check lahat ng pinag gagagawa ko...
Obstacles
-i want it all....
Personal goals
-I have my 25,000 savings in the bank on or before march 8... (naubos ko kasi money ko because of heroic pero sulit naman kaya okay lang)
-i am 130 lbs on or before feb 8
-i've studied driving on or before jan 8
-i've paid all my debts on or before july 1, 2005
Action plan / milestones
SAVINGS and paying debts
i need to save 1812.50 per week from this week up to year end (at wala akong trabaho)
by selling stuffs for christmas
pag next year 1951.92 per week (may trabaho na ako by then pero maliit sweldo)
~~~
WEIGHT
i need to lose 1 pound a week.
138lbs Nov 14-20
137lbs Nov 21-27
136lbs Nov 28-dec 4
135lbs Dec 5-11
134lbs Dec 12-18
133lbs Dec 19-25
132lbs Dec 26- Jan 1
131lbs Jan 2-8
130lbs Jan 9-15
badminton 3x a week
no softdrinks
no rice at night
no junk foods
no sweets
no midnight snacks
~~~
Support i need:
-i need my friends to remind me not to eat a lot. lalo na tuwing dinner / lunch out.
-i need bubi to help me with my badminton chuvaness.
-i need people to remind me not to be magastos since medyo hindi ganun kadali ang 25k
-i need support from my dad financially to make this goals easier to achive.. (dad pahinge 25k.. hehehe kidding!)
-sa mga friends ko who are selling stuffs, let me know para i can sell stuffs din and earn.
Obstacles
-procrastination
-lack of discipline
Contribution goals
-send jericho to school SY 2005-2006
-to coach shooters or to staff heroic this coming 2005.
visited dreamland @ 1:54 PM
Thursday, November 11, 2004
hay, okay na sana yung plans ko for today, kaya lang hindi ko alam nasaan ang mind ni jojo at binangga nya for the second time ang bago naming space gear...
sometimes, ayaw mo mainis kasi gusto mong magpasensya pero hindi pala laging madali...
so ngayon, hindi ko pa tuloy alam paano ako pupuntang psi with jaja... i have to look for ways pa... which i think babagsak sa pag tataxi na pinakaiiwasan ko at this moment kasi nagtaas na ang presyo nila...
i'm starting a new blog na din not for my prayer but maybe for some stuffs that i don't want to share with other people, minsan kasi na dahil alam kong may mga nagbabasa nito, nasasabi ko yung things in a nice way kahit na i feel so Shit....
kung dito nakaka unload ako.. i guess mas makaka unload pa ako doon.....
hay, kagabi ang saya saya ko before ako matulog.... and now... well wala pa naman ako sa depression mode since i choose not to be in that state.. naiinis lang ng kaunti.... sana ma refresh ako later sa basic...can't wait to see jaja pag doors open na.....
i won't end this entry without a win....
happy lang ako to know na okay naman pala kay mommy na mag stay ako sa psi... i don't have to lie na... pagod na rin ako with white lies... ayaw nya kasi dati eh...
may na discover ako about sa sarili ko.... hate ko pala ang ginugulo ako pag may ginagawa ako... ano kayang value ko ang tinatamaan?? being focus ata eh.. i guess so.. pero iisipin ko pa rin yan just to know myself more....
naalala ko yung award ko na "complete Woman" award...
and i said to myself... oo nga no, most of the time contented na pala ako sa mga nangyayari sa life ko. di na ako nagrereklamo, i just feel so happy...
sana lagi kong ma feel na i'm complete na....
visited dreamland @ 2:16 PM
Wednesday, November 10, 2004
i feel so lucky today, para everything is falling into its place na for the food stall to be okay.. i just need to confirm if auntie joy wants to take the 14 sq or 28 sq.
-ibibigay na sa akin ni gm yung mga list of cooks which i can call thru his gf denise who owns trellis sa may market market.
-nakahanap na ako ng plastic display in case yun na lang yung gamitin namin nila auntie joy. tagal tagal ko na ito hinahanap eh...
tapos yung personal side of me naman
-happy ako na tuloy na si jaja magbasic...
-happy ako na maganda yung plans ng starshooters 59 and other coaches for the psi stuffs.
-natutuwa ako sa bookmark na ginawa ni jolinne.
may mga few instances na nakakainis na nangyari today
pero parang tama si jolinne, dapat yung good things lang ang na iinhale ko para masaya.....
visited dreamland @ 11:34 PM
Tunay na lasinggero!!!
visited dreamland @ 1:16 PM
Jetsson and me.... Ü
visited dreamland @ 1:15 PM
paano ko i blo blog ang magagandang nangyari sa buhay ko... hindi ko alam...
buti na lang ako ay na create sa mundong ibabaw hindi para mag blog lamang... kungdi lagut na ako...
had my 3rd intensive nung weekend...
ang sarap sarap ng feeling... na everytime i look back at those times
grabe parang heaven na talaga ako....
tapos ang saya saya pa kasi i was able to really bond with jed, seze, etc. ehehehehe
tapos super na appreciate ko ang coach ko... and happy ako kasi kahit marami pa syang aalagaan in the future i know we'll always be friends
tapos i discovered a lot of things about me pa.
tapos i was able to pray be na super peaceful...
hay erika for more can you ask for???
~~~
3rd intensive final cirle song...
Artist: Monica Lyrics
Song: For You I Will Lyrics
When you're feeling lost in the night
When you feel your world just ain't tight
Call on me, I will be waiting
Count on me, I will be there
Anytime the times get too tough
Anytime your best ain't enough
I'll be the one to make it better
I'll be there to protect you, see you through
I'll be there, and there is nothing, I won't do
[Chorus:]
I will cross the ocean for you
I will go and bring you the moon
I will be your hero, your strength
Anything you need
I will be the sun in your sky
I will light your way for all time
Promise you, for you I will
I will shield your heart from the rain
I won't let no harm come your way
Oh these arms will be your shelter
No these arms won't let you down
If there is a mountain to move
I will move that mountain for you
I'm here for you, I'm here forever
I will be your fortress, tall and strong
I'll keep you safe, I'll stand beside you, right or wrong
[Chorus]
For you I will, lay my life on the line
For you I will fight a hulk, for you I will die
With every breath, with all my soul
I'll give my word, I'll give it all
Put your faith in me
And I'll do anything
[Chorus]
I will, I will, I will
[Chorus]
I promise you, for you I will [3x]
visited dreamland @ 1:11 PM
sleeping beauties ng tagaytay
visited dreamland @ 1:09 PM
ang 2 kikay
visited dreamland @ 1:09 PM
with US Presidentiable na natalo.. hihihihi...
visited dreamland @ 1:09 PM
kikay forever
visited dreamland @ 1:07 PM
Wednesday, November 03, 2004
aliw na aliw talaga ako kay jaja... not a reklamo naman to my other friends pero kasi sya lang so far yung taong pag tinawag ko go agad.... parang i've been looking for such friend ever since... parng jaja, alis tayo... snack lang daanan kita... okay go...
yun yung story namin yesterday, after looking for a place in makati, tinawagan ko sya for a snack... ayun we ate at market market sa may labas lang and killed some time together.. may meeting kasi ako ng hapon ang alanganin if uwi pa ako...
grabe, dami namin kinain... ehehehe.. kaya ang weight goal ko.. hmmm....
aliw na aliw din ako sa market market kahit third time ko na pumunta, parang dreamer kasi ako eh and i want to be as big as other comapanies na andun...
and kailangan ko rin i remind sarili ko coz sometimes too big ang dreams ko...
visited dreamland @ 6:12 PM
Monday, November 01, 2004
kakauwi ko lang from my kongkong's grave, got tired, kasi naglakad kami ni honey ng malayo just to buy something cold, sayang ang haba ng pila sa zagu so nag end up kami sa softdrinks at palamig... feeling ko sayang yung nilkad ko coz hindi ko naman ganun ka gusto ang palamig at may ice tea naman kaming dala but okay lang coz at least nakapag bonding kami ng cousin ko, tanong sya ng tanong about stuffs like bakit ko pinili maging entrepreneur instead of being a lawyer,
i hope nagandahan sya sa answer ko..
sabi ko... God created us na iba iba ang interest in life coz hindi magiging balance ang world kung lahat ng tao would want to be a lawyer. since ito business ang hilig ko, i believe na God made me this way...
~~~
tired, starting tom. i need to be serious in getting my goals no, parang ang dami ko ng time na nasayang nakakainis and challenging. naisip ko na i don't really have to work hard, but to work smart. nakuha ko yan kay ms shiela tanseco which is true kasi tinuro din sa amin sa debelab kay mr. tolosa aliw ako kasi napanaginipan ko sya...
~~~
pauwi na si mom... may dalang ice monster... yehey...
visited dreamland @ 6:48 PM