Thursday, September 30, 2004
nakakatawa, arind 5:30pm nag lakad ako sa paco para sumakay ng jeep byaheng guadalupe kasi papunta ako sa psi... wala pa akong 5 minutes nakasakay... tagaktak na ang pawis ko... para akong nasa sauna.. tapos biglang naalala ko yung last attempt namin ni arlene sa condo ni paula para magsauna na almost 10 minutes na kami pero wala pa ring nangyayari.... hehehehe kakaiba ito.. ako ay nakatipid
~~~
naaliw ako kay chamie... na in love again.. at sa lahat pa ng taong pag iinlovan nya eh si XXXX pa!!!! weird... eh panu ba naman kasi click na click sila eh... hay...
ano kaya ang mangyayari sa kanila.. how i wish na they will be good friends...
successful naman coffee ko... for me.. ewan ko for other people...
sana maraming maka attend ng basic kasi it really helped me a lot as in....
visited dreamland @ 11:12 PM
Tuesday, September 28, 2004
pa cute ang mga bruha
visited dreamland @ 5:08 PM
just after our mastermind session
visited dreamland @ 5:07 PM
sitting pretty si thea dear Ü
visited dreamland @ 5:07 PM
joisce Ü
visited dreamland @ 5:06 PM
almost 5:00pm na... kakauwi ko lang... wala pa akong work nagagawa... pero nakakatawa si chamie kasi sabi nya sa akin okay lang daw yan since 3AM naman ang usual sleep ko.. makakatrabaho pa ako ng mahaba haba...
slept at hotel last night, nuod tv lang and sleep na... at first inisip ko na kj naman hindi man lang kami nagkakuwentuhan but i realized sometimes mas okay ang bonding when tahimik lang lahat and still feel comfortable with each other...
tapos naiwan ako sa hotel since maaga sila kailangan umalis, na enjoy ko ang bath tub, parang nagawa ko in a way ang gusto kong mangyari sa life ko.. ang mag muni muni... sayang at hindi sya sa lugar na gusto ko. daming thoughts ang dumaan sa aking pag-iisip... yung iba hindi ko naisip ang closure pero happy pa rin ako...
nakakaaliw din kasi maliit lang yung binayaran ko... 200+ lang... hindi na yan usual lately... madalas umaabot ng 1k+
nung paglabas na paglabas ko ng diamond hotel, nakita ko ang aking inaanak, ang aking auntie at ang dad ng inaanak ko... pero nag hi and goodbye lang kami ...went straight to joisce, tried going there through jeep... madali naman din pala at hindi naman ako naligaw, kailangan lang na pag hindi ka sure eh magtanong ka...
sa sobrang tanghaling tapat, nakakahiya kasi pag punta ko kayla joisce eh pawis na pawis na ako, buti na lang nilagay ko sa bag ang tissue na galing sa hotel, so ayun naka pag refresh ako before kami mag mastermind....
then uwi na agad
~~~
yesterday medyo ang tagal ko nag stay sa figaro, napaaga ako ng 1 1/2 hour sa client meeting ko.. feeling ko super small world kasi kilala ko yung brother ng bride (kapatid nya si eric na boyfriend ni cherie) and co teacher nya si Judianne Ang... aliw na aliw ako... super small world talaga...
after nun punta na me sa lmi.. kindda late.. pero okay lang... played pwa tiong chu... hindi ko nga lang super enjoy kasi hindi ako super comfy sa ibang kalaro but okay naman...
then went to diamond na... Ü
visited dreamland @ 4:37 PM
Monday, September 27, 2004
naaliw ako sa choir kanina.. hinila namin si paula and si bernard kahit hindi pa sila nag pra practice... timing yung prob nila but they know the song naman eh.. so meaning if they give choir a chance... wow ang laking tulong nun...
aliw ako talaga
~~~
i went to psi last night for an activity...
medyo bonding kami ni Thea Cariño, Clarisse,Joanne,Harold etc.
nakakaaliw ang team 60 though i find my team more creative... (i compare daw ba)
nakakainis (konti) talo la salle pero okay ang hindi ko kasi napanood eh....
siguro kung pinanood ko yun... naku some kindda tense ako... ganyan ako manuod ng basketball eh..
ibebenta na ang red car.. kulang na naman kami ng car, tiis tiis muna for the meantime... malay mo rav4 na yung kapalit Ü
called Jolinne last time, to help me clarify my goals since ang daming changes... naaaliw ako to see my goals na super andyan na sa harap ko... konting ayos ayos na lang and done na ako... at si mommy pa ang tumutulong sa akin...
~~~
naaliw ako sa song na you're still you... pero hindi hindi ako papayag na marinig yan sa kasal ko... except kung.... secret... bwahahahahaha
ano nga ba ang wins ko for today?
woke na nasa mood, tapos since gustong gusto ko maging productive,
1.tinapos ko na ang mga papers needed for tektite... papa check ko na kay auntie joy
2.tinawagan ko na din ang mga dapat kong tawagan.. Sherwin Lucas of Discovery
3.na text ko na rin si rinky about sa mga kulang pa nya sa wedding nya
4.hmmm yun pa lang pala... pero okay na din
sige back to work na ako para dumami pa yan
visited dreamland @ 1:29 PM
Sunday, September 26, 2004
medyo topak na naman ang blog ko ngayon... ayaw magpakita ng pictures...
super rare na andito ako sa house ng sunday after lunch... kasi laging either may practice, gimik, or activity sa psi... hindi ko tuloy alam anong gagawin ko...
feeling ko lately ang lousy ng pag manage ko sa time...
like today, i'm suppose to have a hair cut kaya lang hinayaan ko si mommy na humiga na lang at manood ng tv.. kaya nung niyaya na nya ako.. gipit na sa time...
nakakainis kasi hindi ko alam bakit inallow ko na ganyan...
hindi ko pa naasikaso yung sched ko next week pero mukhang full na agad...
monday may client meeting sa may san juan and may dinner sa lmi
tuesday may mastermind
wednesday may counsel meeting
thursday coffee ko
friday apply kami sa slimmers
happy naman ako na may nangyayari sa akin kaya lang parang minsan feeling ko dictated na ako ng hindi ko alam kung ano...
sinabi ko kay mommy and daddy kanina na i want to go up sa kahit na anong mt. sa birthday ko.. tapos few hours later tumawag si joisce... may glitter tattoo chuva kami sa 14th... eh paano na yan... hindi na puwede kasi ayoko naman ma miss yung birthday ni mommy...
~~~
hindi ko alam kung maiinis ako or matutuwa ako kay arlene kasi sinabi ko na paputulan nya yung mahahaba kong pants.. malay ko ba na pag sasabayin niya lahat kaya kanina wala akong masuot... nangheram pa tuloy ako kay achi....
hindi ko alam kung ginawa niya yun para matapos na yung assignment nya or yun na yung result after nya pag-isipan ng matagal
hindi ko rin alam kung matutuwa ako sa isang tao sa fccy... ang sama ko nga eh... feeling ko gumawa na naman ako ng actions na hindi out of love...
eh kasi naman feeling nya super victim siya na hindi sya tinutulungan...
hindi nya alam na kaya hindi sya tinutulungan is because nakakainis sya magsalita...
~~~
shift mood
~~~
naaliw ako kay irene... hindi ko nga alam whole name nya e
pero super kakatuwa siya kasi binigay niya sa akin yung mga old wedding magazines nya
na super ang gaganda and ang mamahal....
haven't thank her yet... and birthday pa nya today
super angel talaga sya....
pupunta na naman ako ng psi in few minutes... excited na ako to see my buddy there... ano kayang gagawin nya.... Ü basta support lang ako...
visited dreamland @ 2:54 PM
Saturday, September 25, 2004
well, sometimes masaya maging in demand and sometimes hindi pala...
i woke up a little early today kasi i have to prepare pa for a client meeting...
pero super saya ko kasi...
1. gagwan ako ng super okay office sa may gate....
2. na close ko yung deal with the client who just dropped by....
3. close din yung deal with malou sa visions unlimited...
4. happy ako with my coach...
pero nung hapon grabe... parang gusto akong kausapin ng nakararaming tao...
kausap ako ni mommy, tapos tawag si meanne na ang tagal tagal naming nag-usap kahit na hindi naman kami close, tapos si achi din tawag ....
sometimes, ayaw ko pala ng sabay sabay na kausap....
pero that doesn't mean na hindi na ako makikipag-usap
inisip ko na lang... na basta lahat ng action should be out of love...
visited dreamland @ 10:28 PM
Friday, September 24, 2004
i just had a conversation with bubi...
it was something about my mr. breakthrough
nasabi ko kay bubi kung ano ang feeling ko sa taong yan...
and i'm happy na super supportive sya na hindi sya nagalit
and binigyan lang nya ako ng good suggestion.
and tama sya na just come from the space of love.
sometimes, iniisip ko why ko pa kasi sya pinuntahan
though no regret for me, coz naging super happy ako for a few moments and
i know na God has a purpose...
parang super gusto ko na nga mag medidate eh.... na miss ko na rin
yung dating room ko where i can think, reflect... sana magka money na si daddy
para we can transfer na...to have my own room, tapos may pool pa yung house.. etc.
para masaya sa house
~~~
i just read jaja's blog... parang ang daming nangyayari sa taong yun...
natutuwa ako for her.... tapos ako ms. garfield na lang daw ako (sabi ni bubi)
kasi tulog lang ng tulog.. hindi ko na daw alam difference ng sleep and nap...
hay naku.... ehehehehehe
visited dreamland @ 2:57 PM
nag blog ako kanina!!! na erase!!!
anyways, first time ko nakapunta last night sa market market... cool place... sarap balik balikan though wala pang laman ang mall.... dyan ko kaya ilagay ang bridal shop ko??? why not....
had a very enlightening conversation with jolinne... nakakaaliw....
tapos pabalik sa psi funny si malou coz all of a sudden she's singing "jumbo hotdog kaya mo ba to?" ngeeek.... tapos tawa na kami ng tawa hanggang sakit sakit na ng tyan...
~~~
dinala ko si bubi sa psi... and happy ako kasi medyo convinced na sya sa program basta wag ko lang daw sya pilitin (as if pinipilit ko) pinapunta ko lang naman sya to support chamie eh...
i feel more grounded tonight than last night kaya i'm happy din... tama si clarisse.. after taking higher awareness seminar mas mararamdaman mo ang rollercoaster feeling... pero ang masaya doon is mas matagal usually sa happy side of it than sa sad part of it....
~~~
dami ko pa ring task.. with little time left... sana may sangkatutak na computer ako and sana ma realize ko na hindi maganda mag waste ng time...
visited dreamland @ 1:11 AM
Tuesday, September 21, 2004
hay... sa wakas grounded na ulit ako... not that i don't want to be so happy... kaya lang sa sobrang happy ako hindi na ako makatrabaho... anyways, grounded na ako but so happy pa rin....
Joisce asked me yesterday about my breakthrough... paano na daw si bubi...
well, for a time in my life.. yes, i got confused ... but the confusion ended up when i started to come from the space of honesty... ano ba talaga ang na fe feel ko... ano ba talaga ang gusto ko... what are my expectations....
~~~
natutuwa din ako to see most of the shooters grad na happy for me because natapos ko agad yung pinaka intense activity... activity na parang dumaan sa butas ng needle... and happy din ako for myself... kaya right now, nag cecelebrate ako....
~~~
i tried my best humabol sa 50th anniversary ng st. peter... pero hindi talaga nakayanan.... ano pa bang magagawa ko... pero no regret.... super no regret.. and i'm pretty sure God is so happy for me....
visited dreamland @ 2:31 PM
Monday, September 20, 2004
well, super dami nangyari sa life ko sa buong weekend...
but the best thing happened is that i was able to talk to the person whom i am resisting for 9 years now.... and it was so liberating....
parang after talking to him... i was able to say goodbye to a monster whom i cared so much but killed me....
weird... pero ganyan pala pumatay ang program.....
now i see myself na parang cup na may nag o overflow na happiness....
thanks to shooters!!!!! grabe na to!!!
visited dreamland @ 1:43 PM
Saturday, September 18, 2004
kulang ang time ko to blog.. i have to sleep early coz i need to wake up so early..
but bottomline.. may sangkatutak akong wins
visited dreamland @ 1:02 AM
Thursday, September 16, 2004
10 minutes pa lang akong tulog.. nagising ako ulit dahil sa malakas na earth quake kanina around 3:00am.... i checked on bubi... aba nagising din pala sa pagyanig ng manila...
today, tomorrow, sat and sunday would be a very busy day for me....
busy na masaya naman... though medyo kinakabahan kasi most of the activities na gagawin ko ay first time....
like first time ako sasama sa client sa paghanap ng okay suppliers...
first time yung 2nd intensive sa buhay ko...
first time dirediretso lang ang trabaho...
etc....
pag uwi ko mamaya.. may gagawin pa akong deadline for tomorrow... busy pero masaya....
hay, ang sarap mag blog... but i need to eat and take a bath... late na ako sa appointment ko...
thank you Lord, for waking me up today! thank you for being always with me....
visited dreamland @ 1:08 PM
Wednesday, September 15, 2004
super okay day to today...
1.had a very good sleep
2.super meaningful prayer session with my mastermind group.
as in i was able to visualize me and God talking about so many stuffs... sa favorite na lugar ko... and that parang he told me na happy sya with me and with how i go for my goalw, happy siya sa support na nabibigay ko sa family ko and sa team mates ko, happy sya to see na nag i improve na ang mga pananaw namin nila john, jaja, jec, bubi sa mga bagay bagay... basta God is happy... kaya ako din happy.... parang at this very moment... kulang yung word na happy to describe the happiness... parang heaven talaga...what i am praying right now is that sana yung love na nakikita ko sa bawat isa would be unconditional, lalo na sa akin... na sana if things would change... sana andyan pa din yung love, na even if nangugulo ng mga tao ang life ko... sana andyan pa din ang love, na sana kahit bagsakan kami ng problems andyan pa din ang love ... na at all times, maisip namin yung win-win... sa lahat ng tao....
(shocks, naisip ko bigla ang heroic ko... )
3. happy ako to see mike na very giving.. thea is 10k away na lang from shooters... and arlene (maid) is 5k away na lang from basic...ang saya saya!! parang everything falls into its places na talaga... what more can i ask for???
4. God blessed me with ideas na para mas mabilis ko makuha goals ko... hay grabe... heaven na talaga ito...
talagang what more can i ask for ???
visited dreamland @ 5:29 PM
Tuesday, September 14, 2004
super busy nitong day na to.. katunayan ay 6:30 pa lang ay gising na ako para sa mga task na ipinapagawa sa akin... super rare ito because usually lunch time na ako nagigising...
grabe, balita ko ay nagalit si mommy last night dahil ang kalat ng gamit ko... na in the first place eh ang mga maid ang nagkalat... so kaninang umaga ay niligpit na nila ang mga abubot ko... wAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!
paghaluin ba nman ang mga hindi dapat pag haluin.. ayan tuloy mas dumami pa ang trabaho ko.. hindi ko na nga nagawa ang dapat kong gawin eh dinagdagan pa ng trabaho.....
si arlene (maid) is interested to take psi basic.. sinama ko siya doon pero hindi ko sya pinilit.. as in walang 1% na pilit... so now, i'm raising funds for her... sabi tuloy ni chamie na sana sa akin na lang daw siya nag work..sira talaga tong si chamie na to!!!
may new car na kami... ako ang unang sumakay... ang saya...
visited dreamland @ 8:10 PM
Monday, September 13, 2004
... last night di ako mapakali... what i did was i read the notebook.. at take note tinapos ko sya Ü grabe nakakaiyak.... ang ganda ganda....
di natuloy mastermind meeting namin today... hindi ko pa alam when na matutuloy... in a way medyo masaya ako kasi medyo marami pa akong gagawin today and i believe na kailangan ko na syang umpisahan to create results in life...
wala pa masyadong nangyari sa life ko today, medyo pag gising ko kumain lang ako at nagcomputer na at kumausap ng tao sa phone.
pero natutuwa ako tumawag si joey g sa akin to ask if may alam ako ng products na puwedeng ma export.. iniisip ko na sana meron nga para may pera ulit pero hmm...
gusto ko na mag start bumili ng mga wedding magazines...
kahit medyo old, i need kasi to put up a mini wedding library....
atleast may nagawa na ako to start sa actual goals ko....
right now i'm praying na sana mag move forward pa ako toward my goals...
parang ayaw ko ma stuck sa isang phase na sobrang tagal...
visited dreamland @ 4:02 PM
Sunday, September 12, 2004
last night i dreamt of a childhool ultimate crush... in my dream he was so sweet...
then i woke up... i don't know what to think.... but it bothered me the whole day...
hmmm.... ano kaya gusto ni God sabihin sa akin???
~~~
i'm kindda thinking the whole day today, ang dami daming thoughts...
meron one time i am thinking about what friendship is all about when you don't see them during bad times... kindda sad but life has to move on...
the world revolves everyday... mahirap na ang babagal bagal...
tapos naisip ko rin yung mga inaasam asam mo in life...
sometimes the only thing to help yourself is to look within you, and say something like ang dali naman pala eh... kasi sabi ni tito kokoy yesterday na we are created by God.. being somebody na nanggaling sa kanya.. being somebody created in his image and likeness... would also mean na powerful to face inner difficulties/programs...
sayang hindi ako nakapunta sa heroic tee up... inuna ko kasi ang choir na hindi ko naman sigurado if i can make it next week... sana, i'll pray rosary the whole week for that intention (na maaga kami matapos sa 2nd intensive) Ü
kindda excited na ako.. hindi ko alam ano meron sa intesive na ito, hindi ko alam kung iihawin na ba kami or what but sabi ng lahat ng ito ang best part ng shooters... sana nga... ready na naman ako ihawin eh... ahahahahaha
sayang may practice din sa wednesday..meaning hindi ako makakasama sa team bonding namin... gustong gusto ko pa naman....
natuwa ako kanina, jec, john and i talked about what we want to do with the choir group, then coming from them they want to do an outreach for this christmas... parang na excite ako to see baby jesus na ipanganak ulit...
gusto ko ng kausap sa oras na ito, hindi naman ako nalulungkot, pero na miss ko na yung time na lagi na lang ako nakikipagkuwentuhan sa mga tao...
iniisip ko na sino ang tatawagan ko later...
iniisip ko na din kung sino ang yayayain ko for a coffee out soon...
~~~
talking about my goals, kanina nag iisip ako ng mechanisms ko to make it real...
naisip ko na i'll help dad na maghanap ng taong gustong mag loan sa bank... sana thru that makabuo ako ng 200k...
naisip ko rin na i'll help in selling the cars...
sana matulungan ako ng shooters buddy ko since sa tingin ko may mga alam siyang may-ari ng company...
i want my bridal shop open before the year ends...
i want a very organize system...
i want to earn at least 50,000 a month...
sarap ng feeling, nakakakilig seeing myself inside that shop...
visited dreamland @ 6:14 PM
Saturday, September 11, 2004
ei, sa wakas nakapag blog na din ako...nawala ang antok ko nung nakita kong puwede na ako magblog... kani kanina ay pikit na pikit na ang mata ko....
hindi ko alam anong miracle itong nangyari... hindi ko din alam kung natanggal na ang virus na lumilibot sa aking computer...
dami ng nangyari na hindi ko na share.. dami na ring bago sa life ko...
but to connect with my last blog
ang tektite ay sasagot pa lang sa aming letter of intent.. i hope i would get their response this coming week.. medyo matagal na rin na stop ang pag asikaso ko dyan dahil sa kaaantay...
naging busy ako about sa bridal fair na sinalihan ko... okay naman so far, maraming inquiries, sana dumami pa... busy rin ako thinking of how will i get my goals... though ahead ako sobra kaysa sa mga ka team mates ko... feeling ko there's so much to organize sa sarili ko... and i'm getting it done before the shooter ends....
kailangan kong ayusin ang mga flyers ng suppliers,
kailangan ko na ring ayusin yung system for my bridal shop goal,
kailangan ko na ayusin ang wedding ni dino
buti na lang i get a lot of support sa psi,
si irene na first time ko na meet bibigyan ako ng maraming wedding magazine
si chamie na hindi business minded gusto mag invest....
wow...
naging memorable yung day ko today because of the sharing sa shooters tee up...
kagabi pa ako sinabihan ni des na i will share .. todo kaba ako... pero things went smoothly... and mukhang natuwa din ang mga tao around
~~~
i've been thinking of the people around me... trying to analyze yung mga sa tingin kong mali (take note.. opinion ko lang) na nangyayari sa life nila...
malayo sa plan ko maging coach... medyo may fear ako na ma sabotage ko ang life nila... hehehehe hindi ko kasi ito forte...
pero natutuwa ako... if only i can help them see what i am seeing....
~~~
naku, parang ang dami kong gustong sabihin tonight, kaya lang sa sobrang dami..
hindi ko na alam ano ang uunahin ko...
anyways, sana tom. makablog ako ulit.. ipagdarasal ko yan
visited dreamland @ 10:57 PM
Wednesday, September 08, 2004
just testing her blog... ;)
visited dreamland @ 5:01 PM