Monday, December 20, 2004
nag blog ako ng super haba... at nabura lahat...
super busy ako today...
hindi ko alam paano makaka survive...
hindi kasi ako matutulog... mas mahirap kasing kumanta pag bagong gising....
SCHEDULE
Simbang Gabi-kami ang choir
Breakfast- either mcdo or starbucks... bahala na....
10AM mass
Family day-dadaan lang ako
Regional Christmas Party - nagpromse ako kay judianne na magpapakita ako sa kanya
Shooters Team 60 Graduation - nag confirm na rin ako.. i want to see my buddy thea...
SLEEP!!!!!
SIMBANG GABI
8 years na ako naka complete ng simbang gabi...
pero ngayon lang ang simbang gabi na full of learnings...
1st day
i learned na iba iba ang experiences ng mga tao sa buhay
iba't ibang problems ang napagdadaanan...
kaya okay lang na iba iba ang approach kay Jesus
Medyo common sense...
pero with the people around me..
medyo na instill sa akin na dapat laging either solemn or victim mode...
this time i want to be with Jesus...
na masaya ang mood ko...
parang sa lahat ng learnings ko sa life,
lahat ng new experiences ko
lahat ng times na naging happy ako
sa kanya ko pinaka i sha share... kahit na alam kong alam nya lahat ng pinadaanan ko...
2nd day
na reaffirm sa akin na we have a control sa life natin
well, i'm not saying 100 percent... syempre may share pa rin si God...
pero what i mean is that,
most of the time kasi, hindi tayo na kokontento sa life.. thus hindi nagiging masaya
pero come to think of it... hindi ba tayo lang din naman ang mag cocondition sa mind natin ng feelings na gusto natin i feel and tayo lang din naman ang may control para i appreciate lahat ng blessings ni God....
3rd day
i was reminded to see Jesus in other people's life
and to love people para they can see Jesus in me rin...
i also learned na hindi maganda mag offer kay God ng something na labag sa kalooban natin...
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
FENG SHUI
Kaninang umaga pissed off ako
paano ba naman kasi nagsama sila daddy ng feng shui master kuno dito sa bahay...
kailangan ko na magising kahit na 3 hours pa lang ang tulog ko...
inallot ko pa naman ang whole morning sa aking beauty rest dahil hindi rin ako natulog night before...
sabi ng feng shui master
dapat daw laging maaga umuwi si achi...
if not, baka ma accident or maholdap or makidnap...
CRAZY!!!!
at ito ang mas crazy
Si ahia daw bum dahil may natapakang element nung Jan 1...
hindi ko makita ang connection...
sayang sa panahon
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
CHRISTMAS
Na LSS ako ng Ilang tulog pa ba...
feel ko ang christmas... maybe because i chose to...
happy naman kasi ako sa mga nangyayari.. except dyan sa feng shui na yan...
got gifts na from paula and auntie lynda
hindi pa complete ang gifts ko para sa mga tao
nabigay ko na yung kay thea... baka magamit nya sa fashion freedom goal nya eh
well sinabi sa mass na hindi ito important...
kasi ang mas important is yung pag accept natin kay Christ
pero kahit hindi importante... nakakabigay naman ng saya....
Gusto ko ng lyrics ng "i'll make my heart a bethlehem"
parang yan ang gusto kong ipag reflect na song...
para i can make my heart as accepting as possible...
Pinag usapan namin ni Ervinne ang noche buena
ang dami naming gustong food...
at hindi naman bagay ang bawat isa...
kasi gusto ko ng siomai at ng california maki...
gusto din ng pancit malabon, ng kfc.. at marami pa
pero ayaw ko sumakit and tyan ko sa araw ng pasko...
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
BUSINESS
happy ako kasi yung first choice na name namin ang natanggap
Perfect moments wedding and events specialist
sana with that mas maraming client
marami kasi ang nagsabi na ang negative ng black box...
super gusto ko magka 12 client for 2005
so far may 1 na na sure... si mary anne
sana maging okay si
mutya
mukha photography na mag papasok ng client...
sana marami pang mag inquire
nakakaaliw din kasi kanina
nung tinitingnan ko yung chance if okay na kaming 4 nila (bubi, john, jaja and me) magbubuo ng team.. mukhang okay
Jaja = in charge sa reception (design, logistics)
John = in charge sa program with the sound system thingy
Bubi = in charge sa church
Erika = assigned sa couple, ako kasi ang taga kausap sa kanila ngayon eh
tapos kami ni jaja yung assigned sa hotel pag make up time and photo session....
john, me and bubi can drive na naman...
i can use my car
or use john's car
bayaran na lang ang gas....
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
PSI
Can't wait na for bubi to attend the basic seminar
buti na lang may discount
from 7300 naging 5000 na lang...
buti na lang din na out of that 5000 may 2000 na...
3k na lang ang kailangan naming i raise...
guaranteed na magugustuhan nya
wala namang lumalabas ng seminar na hindi satisfied eh...
para kaming pinasinghot ng drugs...
Speaking of bubi...
naaliw ako...
nakabenta sya ng 2 damit mula sa paninda ni arlene
sana makabenta pa sya bukas...
para konti na lang yung ibabalik namin kay arlene...
pero honestly, i find it funny...
imagine, minsan okay lang sa akin maliit ang kita
kasi mas happy ako sa thought na nakabenta and naka close ng deal...
WALA LANG
naaliw lang ako...
parang ang dami kong nagagawang work
kasi hindi ako natutulog
ang sarap kasi mag work pag gabi
tahimik lang kaya parang okay ang flow ng pag iisip....
xoxo Ü xoxo
visited dreamland @ 3:09 PM