Friday, December 03, 2004
hehehe bumagyo lang ang pilipinas binagyo na rin ang pag blog ko...
well. ano nga ba nangyari sa life ko??
tuesday- nag bank lang kami and nag driving school ako... medyo raining na.. katamad na rin lumabas per nag rp kami sandali ni bubi... merienda sa chowking, tingin ng treadmill and rubbershoes... nagpagupit si bubi sa quadro...
wednesday- buong day ako tinatamad gumalaw, when finally sabi ko sa sarili ko na kailangan ko pumasok sa driving class ko and pumuntang psi.. grabe, ibang klaseng paghihirap pala pag nlalabanan ang katamaran... lahat ng reasons for not moving eh nagsisi sulputan... tapos papunta na sana ako, kaya lang ang ingay ni achi.. sinabi ba naman kay mommy na mag co commute lang ako.. ayan sermon to the max ang inabot ko.. hindi na ako pumunta...
well, one thing na kinaiinisan ko is... masyadong takot ang mga tao. akala mo tuwing lalabas ka ay may mangyayari... so since walang car ayaw na nya ako lumabas... eh kung wag na lang kaya ako lumabas araw araw, wag na lang magtrabaho kasi wala naman akong kotse??? minsan weird talaga mag isip mga tao. hindi ko maintindihan...
tapos nung umuwi sya nagalit sya when she found out na nag spag strap lang ako nung 10th anniversay... kasi daw baka sabihin ng tao na ang taba taba ko, na baka pagtawanan lang ako..
hindi ba alam ni mommy na wala akong pakealam sa sasabihin ng tao, wala akong pakealam kung for them mataba ako, wala akong pakealam kung napapangitan sila sa suot ko or sa akin mismo... wala akong pakealam dahil hindi naman sinabi ng diyos na bawal ka sumuot ng pang sexy kung hindi ka sexy.. besides eh paano yon for me i am sexy and nobody can invalidate that kasi yun yung tingin ko sa sarili ko...
lastly, i'm in a safe environment... environment na lahat positive...
thursday- got my license na!! yahooo... after procrastinating for like about 2-3
years... tapos inutusan kami sa bank.. tamad na tamad na ako.... feeling ko bumabagyo na ng malakas.. kahit na hindi naman malakas nung hapon...
tambay lang dito sa bahay nung gabi.. eh syepre peak na daw yan ng bagyo alangan naman gumimik pa ako...
today (friday)- wala magawa.. niyaya ako ni ja na ituloy yung pag punta sa chocolate lover... made me decide na yun na lang yung ibibigay ko sa mga ibang friends ko sa psi... ehehehe para tipid... nakabenta din ako ng mga pambatang damit kay cely and kay achi.. ang saya saya... tapos interested din sila jun, joanne and clara.. yehey... sana madami akong mabenta... nasa mind ko kasi na kahit maliit lang yung kita, puwedeng ipambayad ko din yun ng mga gift ko sa 2 kong inaanak... Ü
antok ako ... tamad.. siguro psychological kasi bagyo ....
visited dreamland @ 5:39 PM
Welcome to Erika's dreamland....
Enter in
Take a peek
feel free to tag ...