Wednesday, December 29, 2004
kagabi ko pa sana gusto mag send ng message sa mga tao around...
i know i'm not the kind of person who shows gratitude and appreciation through words.. tahimik lang... pero deep inside masaya...
kaya lang feeling ko sayang din minsan kasi baka yung mga words na yon ang susi sa mga problema and kalungkutan ng mga tao...
at kakasabi ko lang lang sa last blog ko na action speaks lounder pero mas okay pag combination ng action and ng words... parang loudest na yan...
kaya sa mga friends ko na nakakabasa nito...
super thank you.....
thank you for supporting me and my goals in life
thank you for helping me by catching my bad behavior
thank you for being around...
~~~~~
finally, had a long sleep na...yipee!!!
i've been wanting that since the start of simbang gabi...
my body needs rest eh...
tapos nakapag manicure and pedicure na din ako!!!
after ilang months na pag procrastinate
hindi na ulit puwedeng taniman ang kuko ko
malinis na....
tapos mamaya magbabayad na kami sa psi!!!
super happy ako with that.
hopefully, ma realize ni bubi na yung being nya ay hindi dapat "lang"
madalas nya kasing sabihin na "mahirap lang ako"...
at sinasabi pa nya na ako lang daw ang yayaman.. not him...
sana after the basic
hindi na rin mainitin ang ulo nya
and mas appreciative na sya
sana after the basic
mas maging clear ang gusto nya in life
and makagawa sya ng clear action plan
sana after the basic
maging mas giving sya na tao...
sana after the basic
mas isipin nya ang kapakanan ng lahat...
sana after the basic
mas maging firm sya with his decisions...
mabait na naman sya ngayon eh...
kaya lang lahat naman ng tao
may big room for improvement....
~~~~~
never had a hula session with eva...
okay naman sya, marami syang sinabi kay mommy na nagkatotoo pero ayaw ko lang talaga mag pahula...
pero sabi nya kagabi kay mommy na sulit naman daw yung ilang months of waiting ko for the tektite...
which i believe because for me, alam ko naman na kaya ako naghintay is because ito yung plan ni God...
maybe because along that waiting gusto ni God na may matutunan ako...
maybe because maraming ibang nangyayari na significant thing sa life ko while waiting... like yung shooters, yung mga bridal stuffs.. etc...
grabe kasi umpisa shooters, i've learn to trust God more... kaya kahit na naiinip na si mommy sometimes.. ako okay lang....
~~~~~
wierd yung maid kagabi..
parang feeling kung umasta...tinanong nya ako kung kailan daw mag oopen yung food stall... sana daw sabihin ko yung exact date.. if not aalis na sya...
hindi ko alam what is on her mind at naiinip sya when we are paying her for doing nothing naman dito... hmmm......
i pray that she will be blessed with patience, trust, and humility.... yun na siguro ang pinaka okay na gift for her
~~~~~
last night, trying to fix my schedule for the first week of january
kwela talaga... kasi wala akong malagay na gagawin...
kasi right now, pakiramdaman lang ako....
parang yung control ng things na nangyayari ay nasa tektite...
kung hindi sila kikilos, walang mangyayari... masasayang lang ang pag plano ko...
~~~~~
kailangan ko na talaga mag exercise
hindi na balance ang life ko...
worry ko baka dumating yung point na okay ang financial part of me, okay me spiritually, and emotionally pero ung physical side of me yung mag suffer... hindi na kasi ako ulit nag e exercise eh...
habang wala ang treadmill.. kailangan may ibang mechanism..
hmm... badminton ulit??
pero gusto ko sa st. peter ground na lang pag gabi para libre... ehehehehe
delikado din kasi pag di ako nag e exercise...
nagiging irregular ang monthly period...
~~~~~
parang ayaw ko mag stop mag blog
kahit wala na talaga akong masulat...
ganito ako ka walang magawa today...
mamayang gabi, aayusin ko na lang yung mga paninda ni arlene..
uumpisahan ko na ulit yung scrapbook project ko....
yehey.... may gagawin na ako....
Ü Ü Ü
visited dreamland @ 1:45 PM