Tuesday, November 16, 2004
antok pa ako... pero kailangan ko mag start mag work ng maaga today coz may gimik ako ng maaga mamaya...
ano ano ba ang mga nangyari sa akin???
Friday
sinundo ko si jaja sa csb para ihatid sa psi. medyo na late kami pero konti lang... late kasi natapos class ni jja and traffic as usual. after the first break na ako pumasok. naki chika chika muna ako. tapos nilibre ako ni patrick ng favorite kong sisig. dami dami ko nakain.. oh no.... as in OH NO!!!! (pero addicting talaga!!)
Saturday
Same din.. sa psi lang ako... pero naku nagdeclare ako ng weight goal ko.... and as usual since dineclare ko.. kailangan ko na talagang panindigan.. well okay lang since gusto ko rin naman talaga pumayat. tapos na enjoy ko ulit yung psi dance... aliw. aliw din ako coz ja and del signed up for shooters.
tapos humabol ako nung practice. iniwan ko si ja. tapos binalikan na lang after kaya lang napaghintay ko sya ng matagal kasi dinala ni jetsson yung car key at nakisakay kay popoy.. kaya ayun intay kami ng matagal tagal. funny nga eh nakatulog ako sa may mini garden ng st. peter sa pagod eh... pag dating namin sa psi mga 30-40 minutes na ata naghihintay sa baba si ja... tapos we ate at iceberg.. na ang bagal bagal ng service. then went to market market kaya lang sarado na yung mall kaya tumambay na lang kami sa may labas... and ate tahong chips... kakaiba...
Sunday
hindi ko nahatid si ja because dumating si jec dito para makiligo...and i find it nakakaaliw kasi mas malinis pa sila ni jetsson maligo kaysa sa akin... parang pinunasan nila yung banyo para hilig kalat yung water... ehehehehe pag naliligo ako madalas makalat yung water...pinahatid ko sya thru the driver and arlene na nakakatawa kasi sa kalabang repairshop nila hinihintay si jja...
medyo nakakatawa kami nung mass sa st. peter kasi ang hirap talaga pag kulang.... si roma lang ang soprano... hindi rin ako makakanta ng maayos kasi ang tataas ng mga song and walang alto parts like nung eagle's wings....
tapos humabol ako nung agape.. ang sarap ng food.. ehehehe naku... ang weight goal...
naaliw ako kasi ang saya ng preparation kasi birthday ni tito kokoy... may party hats, tapos may parang freedom wall na para kay tito kokoy lang... aliw na aliw talaga ako... tapos kakaiyak yung heroic t-up.. naalala ko yung heroic namin na super saya... 7 days full of love, healing, abundance... aliw kasi super dami nag sign up.. including del and ja... tapos umuwi ako para tingnan ni tony hair ko... sa may pa raw ako puwedeng mag pa rebonding... okay lang... so far natitiis ko pa naman hair ko... tapos ayun went back to psi with john, bubi, jec, jetsson for embrazzo and sinundo namin si ja.. then we watched the incredibles.
Monday
maaga ako nagising kasi si ervinne kinuha ng police. hindi kasi nagpaalam na picturan sila.... tapos si gorbot (Guard) muntik makulong kasi siya yung nag drive eh wala siyang lisensya tapos nung hinahanapan siya ng lisensya.. lisensya ng iba yung binigay niya... buti na lang to the rescue si cap and si chairman Valles... if not... kulong talaga... nakakatakot pa yung the way na sinabi ni arlene sa amin kaya nagmadali kami.
tapos pagbalik natulog lang ako ulit ng matagal... bawi sa lahat ng puyat ko nung weekend... pag gising ko wala akong magawa... as in... kaya ayun tambay tambay lang dito sa bahay... tapos nung gabi nag choir practice kami... na i find it okay kasi parang after a long while tsaka lang kami nag practice na buong buo yung mind ko doon kasi for the past few practice lumilipad sa iba ang mind ko sa sobrang daming magandang nangyayari sa akin.... tapos nakakatuwa pa kasi Vangie gave me the last bite of the go nuts she was eating... hindi ko alam what to react then pero inisip ko na lang na that might be a start of something new.... so win pa rin sya for me.
Tuesday
Grabe, to be honest, wala akong naaccomplish today and yet super tired... sumama ako kay mommy paputa sa office nila.... nakita ko na rin yung mga nangyayari doon... nakita ko na enjoy naman si lolit.. hindi na umiiyak si marge (purchaser nila) mukhang okay naman yung ibang new staffs ... pero malakas pa rin ang boses ni uncle jerry... ehehehehe... mukhang hindi na yun magbabago...
sinama ko si mommy sa meeting ko with auntie joy... ehehehe kasi feel ko lang.. so naka free good lunch din si mommy... ahahahaha.... tapos super okay kasi si daddy pumunta din doon.. ayan nagka ride na ako papuntang psi... nagintay ako ng medyo matagal kay ja pero enjoy naman kasi kakuwentuhan ko sila des, wowie and beth.... and natuwa ako kasi na follow up ko yung enrollees ko and enrollees ng friends ko... sana lahat maka down na tom... ang saya mang enrol ng mga tao... kasi ang saya makita yung changes sa kanila afterwards...
then we went to karen to get tickets for starbucks party, aliw ako kasi binigyan ya ako ng grad pic ko.. sa wakas kasi nasunog yung mga alaala ko ng college life ko eh... tapos ang cute ko pa sa picture (wehehehehe) na enjoy ko naman yung free drink ko... nakita ko si rex.... tapos went to ja's place at nanuod ng bitin na notebook... pag uwi ko... wala na eat and sleep.. nagising lang ako to finish my blog....
visited dreamland @ 8:53 AM
Welcome to Erika's dreamland....
Enter in
Take a peek
feel free to tag ...