Sunday, October 03, 2004
nakakainis, hindi ako nagising sa sobrang antok ko siguro.. ayan communion na lang nakanta ko.. at hindi pa maayos kasi since kakagising ko pa lang...
anyways, nag meeting kami with cgc afterwards sa kfc UN and ang saya saya kasi medyo hindi nagmamadali ang mga tao pero mabilis natapos, na cover lahat ng agenda.. na solutionan lahat ng prob. ang saya saya...
kita ko ulit si mr. breakthrough though hindi kami nagkausap kasi si mark kausap ko and expect ko na hindi nya ako kakausapin sa harap ng maraming tao kasi secret pa yun eh... pero happy na rin ako...
tapos nag practice kami ng mahirap na song for christmas pero nakayanan namin kahit na mahirap kaya happy ako, parang ang saya saya kasi lahat na lang ng nangyayari sa life ko ay masaya....
tapos nag quiapo kami... kakatuwa kasi kasama si omar.. minsan lang kasi sya sumasama sa amin and mukhang enjoy naman sya.. tapos nakakainis na nakakatuwa kasi ang harot harot ni pao pao... hirap na hirap tuloy ako sa car... kinikiliti nya ako eh nakakandong ako sa kanya.. ang sikip sikip.. ayan parang nasiko ko na lahat ng tao.. pero tawa lang kami ng tawa... Ü
when i got home pinanood ko ang natatanging dvd na binili ko... ang 13 going 30... sana nakashop pa ako for more Ü pero okay lang kasi papaheramin naman ako ni pao ng mga dvd nila eh Ü
visited dreamland @ 10:43 PM
Welcome to Erika's dreamland....
Enter in
Take a peek
feel free to tag ...