Wednesday, October 20, 2004
hmm... tamad na tamad ako umalis kagabi as in super tamad, kaya lang si bestpwend ko yung andito ko sa manila and rare lang yon kaya umalis na rin ako, nung una para samahan lang sila mag badminton, kaya lang naaliw ako kaya sumama na rin ako sa after.. nag bay walk and nag aristocrat kami, ayan kain na naman,
nakakaaliw kasi parang na op ako pero hindi naman, paano ba naman kasi 4 silang pari, isang deacon, isang ex seminarian at ako.. ay naku... buti na lang enjoy sila kung mag usap...
naaliw ako to see them compare, like ilan ang weddings nila per week? ilang mass sila per week? etc. nakakatawa talaga... the usual priests' talk na narining ko... tapos compare din nila yung money matters ng parish nila to give each other an idea panu magkaroon ng enough funds.. comparing fccy activities...
tapos nakakatawa pa sila kung paano mag joke sa isa't isa, niloloko nila si fr. sano na baka maging cinderella pag dating ng midnight...
sa wakas, nagawa ko na ang quit claims kagabi, isa na lang ang task ko na na pro procrastinate ko at yun ay ang pag punta sa dlsu to look for a space where i can rent. pupunta na ako mamaya around 2-3pm tatapusin ko muna ang mga gawain ko.
wednesday pa lang pero swerte ko na matatapos na ang gawain ko for the week Ü
unti unti ko na nakikita yung change of heart na napanaginipan ko.
#1 mas okay na kami ng family ni auntie lynda, meaning, kahit konti we talk.
#2 parang light na yung feeling ko kasi marami akong na let go na issue,
mas naiintindihan ko na ang mga tao galit man sila or hindi.
#3 i feel so special. i want affirmations, but i don't need them as of the moment.
parang, minsan i imagine ko pa lang yung face ni jolinne, parang narinig ko na na sinasabihan nya ako na.. what do i think of myself... tapos of course, sasagutin ko na i know i am great and i am special.
tapos minsan, iisipin ko lang yung birthday ko, how my dad treated me, as in late at night bumili pa sya pizza personally para lang we can celebrate my birthday, he gave me a big amount to be able to celebrate with my friends and he'll be giving me another expensive gift.
tapos, iisipin ko lang lahat ng friends ko... grabe....
visited dreamland @ 11:02 AM
Welcome to Erika's dreamland....
Enter in
Take a peek
feel free to tag ...