Sunday, September 26, 2004
medyo topak na naman ang blog ko ngayon... ayaw magpakita ng pictures...
super rare na andito ako sa house ng sunday after lunch... kasi laging either may practice, gimik, or activity sa psi... hindi ko tuloy alam anong gagawin ko...
feeling ko lately ang lousy ng pag manage ko sa time...
like today, i'm suppose to have a hair cut kaya lang hinayaan ko si mommy na humiga na lang at manood ng tv.. kaya nung niyaya na nya ako.. gipit na sa time...
nakakainis kasi hindi ko alam bakit inallow ko na ganyan...
hindi ko pa naasikaso yung sched ko next week pero mukhang full na agad...
monday may client meeting sa may san juan and may dinner sa lmi
tuesday may mastermind
wednesday may counsel meeting
thursday coffee ko
friday apply kami sa slimmers
happy naman ako na may nangyayari sa akin kaya lang parang minsan feeling ko dictated na ako ng hindi ko alam kung ano...
sinabi ko kay mommy and daddy kanina na i want to go up sa kahit na anong mt. sa birthday ko.. tapos few hours later tumawag si joisce... may glitter tattoo chuva kami sa 14th... eh paano na yan... hindi na puwede kasi ayoko naman ma miss yung birthday ni mommy...
~~~
hindi ko alam kung maiinis ako or matutuwa ako kay arlene kasi sinabi ko na paputulan nya yung mahahaba kong pants.. malay ko ba na pag sasabayin niya lahat kaya kanina wala akong masuot... nangheram pa tuloy ako kay achi....
hindi ko alam kung ginawa niya yun para matapos na yung assignment nya or yun na yung result after nya pag-isipan ng matagal
hindi ko rin alam kung matutuwa ako sa isang tao sa fccy... ang sama ko nga eh... feeling ko gumawa na naman ako ng actions na hindi out of love...
eh kasi naman feeling nya super victim siya na hindi sya tinutulungan...
hindi nya alam na kaya hindi sya tinutulungan is because nakakainis sya magsalita...
~~~
shift mood
~~~
naaliw ako kay irene... hindi ko nga alam whole name nya e
pero super kakatuwa siya kasi binigay niya sa akin yung mga old wedding magazines nya
na super ang gaganda and ang mamahal....
haven't thank her yet... and birthday pa nya today
super angel talaga sya....
pupunta na naman ako ng psi in few minutes... excited na ako to see my buddy there... ano kayang gagawin nya.... Ü basta support lang ako...
visited dreamland @ 2:54 PM
Welcome to Erika's dreamland....
Enter in
Take a peek
feel free to tag ...